Miss Grand International Abena Appiah may mensahe sa mga Pinoy bashers

Imahe mula sa Miss Grand International
  • Nagpaaabot ng mensahe si Miss USA Abena Appiah sa mga Pinoy bashers niya
  • Aniya, “I’m very sorry that you guys feel the way you feel”
  • Kilalang malapit sa mga Pinoy ang nanalong Miss Grand International

Nagpaabot ng mensahe ng pasasalamat ang bagong kinoronahang Miss Grand International na si Miss USA Abena Appiah sa mga bumabatiko sa kaniya sa social media.

Ito ay matapos matalo ni Abena ang pambato ng mga Pinoy na si Samantha Bernardo na naging first runner-up lamang sa ginanap na coronation night sa Bangkok, Thailand noong Sabado, Marso 28.

Imahe mula sa StarBiz

Sa kaniyang video message pinasalamatan ng beauty queen ang lahat ng Pinoy na nagpaabot ng suporta sa kaniyang panalo sa kabila ng pagkatalo ni Samantha.

“Kumusta sa lahat, mahal ko kayong lahat,” ani Abena. “I just wanna say thank you for all your support, for all your love”.

Pinasalamatan niya rin ang Kagandahang Flores (KF) Camp kung saan siya dating nag-training kasama si Samantha, at kung saan rin nahubog ang kaniyang nalalaman para sumali sa pageant.

Imahe mula sa Facebook

Para naman sa mga bashers niya, sinabi ni Abena na nalulungkot rin siya sa pagkatalo ni Samantha na napamahal na rin daw sa kaniya.

“I love Samantha and I’m very sorry that you guys feel the way you feel. But I want you to know that I love you regardless and I’m still part of the Filipino family,” wika ng beauty queen.

“And no matter what happens we’re still one people. I love you…Salamat po,” dagdag pa nito.

Si Abena, dati nang sumali sa 2019 Miss Earth pageant bilang Miss Ghana, ay kilalang malapit sa mga Pinoy at minsan na ring nag-viral noon sa social media dahil sa kaniyang mga patok at nakatutuwang mga post.

Screenshot mula sa You Tube video

Siya ay nagbigkas sa wikang Filipino noon ng isang linya sa commercial na “Ang batang malakas kumain… ay laging may gana (Ghana)”. Muli siyang nagpatawa sa kaniyang sumunod na banat na “Gumamit ng tabo, timba at palang-ghana!’”

Para naman sa kaniyang paboritong Pinoy street food, may caption sa isa niyang Instagram post dati na nagsabing: “kailangan ko ng ilang kwek kwek ngayon”.

Panoorin ang video ni Miss Grand International Abena Appiah:

Loading…