MMDA chairman Abalos natuwa sa mamahaling 50-seater ferry boat na donasyon ng NSJBI

Imahe mula sa MMDA
  • Ikinatuwa ni MMDA chairman Abalos ang ferry boat na donasyon ng isang real estate developer
  • Napakamahal umano ng 50-seater M/B Vicente na libreng ibinigay ng NSJBI para sa PRFS
  • Malaki ang maitutulong ng donasyon ng NSJBI para sa kakulangan ng ferry boats sa day-to-day operations ng PRFS

Labis na ikinatuwa ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos ang natanggap ng ahensya na ferry boat na donasyon ng real estate developer na New San Jose Builders, Inc. (NSJBI).

Imahe mula sa MMDA

Bagama’t hindi binanggit ang halaga ng ferry boat, sinabi ni Abalos na napakamahal niyon at libre lang na ibinigay para sa Pasig River Ferry Service (PRFS) ng MMDA.

“Ako po ay natutuwa na ito na po ang ating bangka na bago. Napakamahal po nito at ito’y ibibigay lamang po sa atin,” wika ni Abalos sa ginwang turnover ceremony 50-seater M/B Vicente D. sa Guadalupe Ferry Station sa Makati City noong Huwebes, March 4.

Aniya, inaasahan na malaki ang maitutulong ng donasyon ng NSJBI para kakulangan ng ferry boats sa day-to-day operations ng PRFS.

“Importante po ngayon ang mobility. Ngayon po hindi pa natin randam dahil hindi pa normal ang public transportation. May pandemic pa po tayo. Pero, once mag-converge ang lahat, isipin n’yo kung minsan, isang tao isang kotse. So kinakailangan, let’s look at the other modes of transportation,” pahayag ni Abalos.

Imahe mula sa MMDA

Madalas daw na nakakalimutan ang Pasig River bilang isang available option para sa mass transportation.

Isang malaking karangalan naman para kay Jose Acuzar, chairman ng NSJBI, na maging bahagi ng solusyon upang maibsan ang matinding trapiko sa mga lansangan.

“The Pasig River Ferry Service is an effective alternative transportation that doesn’t just lessen the land vehicle volume but also promotes the beauty of the historic river,” pahayag ni Acuzar.

Kasama ang natanggap na donasyon, labingdalawa na ang ferry boats ng PRFS. Sisikapin umano ni Abalos na madoble ang bilang ng mga ito upang mapaikli ang waiting time sa 30 minutes mula sa kasalukuyang isang oras.

Imahe mula sa MMDA

Tatlong ferry stations ang kasalukuyang itinatayo  ng MMDA- sa Quinta Market sa Maynila, Circuit Makati at Kalawaan sa Pasig.

Plano rin ni Abalos na magbukas ng bagong ferry station sa Napindan, Taguig City at magkaroon ng mga bagong ruta para sa interconnection ng Manila Bay, Pasig River at Laguna lake.

Loading…