MRT-3 personnel na bara-bara ang ginawang pag-disinfect sa tren didisiplinahin

Imahe mula sa DOTr
  • Nag-viral ang video kung saan makikitang bara-bara ang ginagawang pag-disinfect sa loob ng MRT-3 train
  • Maraming netizens na nakapanood ng video ang nagpahayag ng kanilang pag-aalala
  • Tiniyak ng MRT-3 management na didisiplinahin ang members ng kanilang cleaning and disinfecting staff

Viral ngayon sa Facebook ang video kung saan makikita ang mga tauhan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na madalian at bara-bara ang ginawang disinfection sa loob ng tren.

Screenshot mula sa video ni Kim Justine Obrado

Ang viral video ay kuha ng netizen na si Kim Justine Obrado sa North Avenue station sa Quezon City noong Biyernes, March 12. Maraming nakapanood ng video ang nag-alala sa mabilisang pag-spray at pagpunas sa mga grab handles ng tren.

Naglabas ng statement ang management ng MRT-3 at tiniyak sa publiko na gumawa na sila ng aksyon upang hindi na maulit ang ginawa ng mga tauhan nila na haharap sa disciplinary action.

“We are assuring the riding public that matters have been taken to prevent a repeat of that unfortunate incident and that the personnel involved are now facing disciplinary action,” ayon sa statement ng MRT-3 management.

Hindi umano nito kukunsintihin ang anumang paglabag sa mga health protocols na ipinatutupad upang mapigilan ang pagkalat ng virus.

“The MRT-3 management will not tolerate any breach of health protocols as we stem the spread of COVID-19 while serving the daily transportation needs of commuters,” ayon pa sa pahayag nito.

Screenshot mula sa video ni Kim Justine Obrado

Mahigpit daw nilang binilinan ang mga members ng cleaning at disinfecting staff nila na bagama’t kailangang maging mabilis ang pag-disinfect ng tren, dapat daw maayos iyong ginagawa.

“The safety and health of MRT-3 passengers will always be our top concerns as we all adjust to meet the requirements of the new normal,” dagdag pa nito.

Ang train disinfection ay isa sa mga hakbang na ipinatutupad ng MRT-3 upang tiyakin ang kaligtasan ng mga pasahero ngayong panahon ng pandemya.

Loading…