Mungkahi ng mga doktor na gamitin ang Ivermectin para sa COVID-19 prevention tinutulan ng DOH at FDA

Imahe mula sa Shopee
  • Ivermectin, isinusulong ng grupo ng mga doktor na gamiting prevention at early treatment sa COVID-19 infection
  • Sinabi ng CDCPh na may na-publish nang mga scientific evidence hinggil sa Ivermectin bilang mabisang prophylaxis at early treatment sa COVID-19 infection
  • Nagbabala naman ang DOH at FDA sa pag-inom ng Ivermectin na nakarehistro daw sa bansa para gamitin sa hayop at hindi sa tao

Isinusulong ng Concerned Doctors and Citizens of the Philippines (CDCPh) ang anti-parasitic drug na Ivermectin bilang prophylaxis at early treatment sa COVID-19. Ang prophylactic treatment ay ginagamit upang mapigilan ang pagkakaroon ng karamdaman.

Imahe mula sa Tribune

Ayon sa presidente ng CDCPh na si Dr. Benigno Agbayani, may mga na-publish nang mga matitibay na scientific evidence nitong mga nakalipas na buwan hinggil sa Ivermectin bilang isang prophylaxis at early treatment sa COVID-19 infection.

Ginagamit na umano ito ng maraming doktor sa iba’t ibang bansa kabilang ang Belize, Slovakia, at Zimbabwe.

Sa Pilipinas, sinabi ni Dr. Allan Landrito, isang practicing integrative doctor na miyembro ng CDCPh, na “99 percent, if not 100 percent” effective ang Ivermectin na ginamit bilang prophylaxis sa mahigit 8,000 niyang pasyente.

”There are a few doctors using Ivermectin and I am one who was able to dispense it to most patients. I have given it to more than 8,000 patients, most of them for prophylactic reasons. These people haven’t gotten the virus or the infection and most of them will tell me they don’t get the Covid-19 anymore if they use Ivermectin early on,” wika ni Dr. Landrito.

Nagbabala naman ang Department of Health at ang Food and Drug Administration hinggil sa pag-inom ng Ivermectin na gamot daw sa hayop.

Imahe mula sa PCOO

“I had been monitoring social media and people are selling Ivermectin online and this is really dangerous. Nakikiusap po kami sa mga doktor at mga society ng mga doktor, pinapakinggan po tayo ng mga tao, malaki po ‘yung weight na binibigay nila when it comes to suggestions dahil pinapagkatiwalaan tayo when it comes to health, pero kung wala pa tayong scientific basis… ‘wag ho tayong gumawa ng sweeping statements,” pahayag ni DOH Undersecretay Ma. Rosario Vergeire.

Sinabi naman ni FDA Director General Eric Domingo na bagama’t may mga clinical trials na ginagawa sa Ivermectin, wala pa raw conclusive evidence na naiibsan nito ang mga sintomas ng COVID-19.

Dagdag  pa niya, ang Ivermectin ay nakarehistro sa bansa para gamitin sa mga hayop at hindi sa tao.

Imahe mula sa FDA

“Kaya binabalaan po namin na huwag po tayong iinom ng gamot na para sa mga hayop kasi iba po ang dosage niyan, iba po ang quality niyan at hindi po tayo nakasisigurado na ito ay akma sa tao lalo na po kapag mali ang dose o mali po ‘yung ating nainom, ” babala ni Domingo.

Sinabi naman ng CDCph na upang patunayan ang bisa ng Ivermectin, plano nitong magsagawa ng random clinical trial sa isang pagamutan na may 200 COVID-19 patients.

Inaasahan ang resulta ng clinical trial sa April. Isusumite umano ng grupo sa DOH af FDA ang ginagawang study hinggil sa Ivermectin.

Loading…