NAIA lilimitahan muna ang papasok na pasahero sa 1,500 kada araw simula Marso 18

Screenshot mula sa You Tube
  • Lilimitahan muna ng NAIA ang bilang ng mga pasahero na papasok sa bansa sa 1,500 kada araw
  • Ito ay sa gitna ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa
  • Inanunsiyo na rin ng PAL na mapipilitan silang kanselahin ang ilang flights paalis at pauwi ng Manila

Simula sa darating na Huwebes, Marso 18, lilimitahan muna ang bilang ng papasok na pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAI) sa 1,500 kada araw.

Ayon sa inilabas na advisory ng Civil aeronautics Board (CAB) na may petsang Marso 15, ang direktibang ito ay mananatili hanggang Abril 18.

Inilabas ng CAB ang nasabing advisory sa gitna ng paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa na halos umaabot na sa mahigit 4,000 kada araw simula noong nagdaang linggo.

Imahe mula sa ABS-CBN News/Jacque Manabat

“Airlines are also further advised to comply with the directives of the Bureau of Immigration on the kind of essential inbound travelers that will be allowed entry into the Philippines,” ayon sa advisory.

Mayroong kaakibat na kaparusahan ang anumang airlines na lalabag sa kautusang ito.

“Airline operating in NAIA that will exceed the allowed capacity will be meted with the appropriate penalty pursuant to Joint Memorandum Circular No. 2021-01 dated 08 January 2021, issued by the Manila International Airport Authority, Clark International Airport Corporation, Civil Aviation Authority of the Philippines, and the Civil Aeronautics Board,” wika pa ng CAB.

Imahe mula sa Philippine Flight Network

Nasasaad din sa circular na ang airlines na sumobra sa itinakdang capacity ng pasahero kada flight base sa namomonitor ng OSS (One-Stop-Shop) Repatriation Group ay pagmumultahin din ngP10,000 kada labis na pasahero.

Noong Pebrero 3, itinaas na ng NAIA ang daily capacity nila mula sa 2,000 at ginawang 3,000 kada araw dahil sa panawagan ng mga pauwing overseas Filipino workers (OFWs) at ilang airlines na apektado.

Samantala, kaugnay nito, inanunsiyo rin ng Philippine Airlines (PAL) na dahil sa nsabing direktiba ng CAB ay mapipilitan silang magkansela ng ilang filghts mula at pauwi ng Manila sa loob ng petsang nabanggit.

Loading…