Netflix sumusubok ng paraan para matigil ang talamak na password sharing

Imahe mula sa Netflix
  • Sinusubukan ng Netflix na matigil ang talamak na password sharing
  • Marami ang nagbibigay ng password ng kanilang Netflix account sa mga kaibigan at kaanak na hindi naman kasama sa bahay
  • Sa taong 2024 ay tinatayang aabot sa $12.9 billion ang kita na mawawala sa mga kumpanyang katulad ng Netflix

Sa murang halaga  ay maaari nang makapanood ng mga pelikula, TV series, documentaries, K-dramas, original series at iba pang mga panoorin sa Netflix hangga’t gusto mo…ad-free pa.

Imahe mula sa Netflix

Ang Netflix ay isang subscription-based streaming service kung saan maaaring manood ang mga subscribers nang walang commercials gamit ang internet-connected device gaya ng mobile phone, tablet, smart TV at computer.

Puwede ring i-download ang gustong TV shows o pelikula sa inyong smartphone o computer para mapanood ang mga iyon kahit walang internet connection.

May apat na subscription plans ang Netflix:

Mobile – sa halagang  P149 a month ay makakanood na sa mobile phone at tablet

Mobile+ – P259 a month, makakanood sa mobile phone, tablet at computer

Standard – P459 a month, makakakanood sa mobile phone, tablet, computer at TV

Premium – P549 a month, makakanood sa phone, tablet, computer at TV

Ang premium subscription plan ang may the best video quality.

Imahe mula sa Netflix

Ayon sa Netflix, ang puwede lang gumamit ng account ng isang subscriber ay ang mga taong kasama sa iisang bahay, pero marami ang hindi sumusunod sa ganitong patakaran. Marami ang nagbibigay ng password ng kanilang Netflix account sa mga kaibigan at mga kaanak na hindi naman kasama sa bahay.

Malaki ang nawawala sa potensyal na kita ng Netflix at iba pang service provider tulad nito dahil sa talamak na password sharing. Sa taong 2024 ay tinatayang aabot sa $12.9 billion ang kita na mawawala sa kanila.

Bunsod nito ay may sinusubok ang Netflix ngayon kung paano masusugpo ang password sharing.

Imahe mula sa Netflix

Bago makapanood ay ipinabe-verify ng Netflix sa viewer kung kasama siya sa bahay ng account holder o subscriber.

Isang mensahe ang matatanggap ng viewer para kumpirmahin na kasama niya sa bahay ang subscriber. Dapat ibigay ng viewer ang detalye sa text message o email na ipinadala ng Netflix sa subscriber.

Puwedeng tapusin muna ang pinanonood bago gawin ang verification. Pero sa susunod na pagbukas ng Netflix ay muling lalabas ang mensahe.

Kung hindi mabe-verify na kasama sa bahay ang subscriber, aalukin ng Netflix  ang viewer na mag-subscribe at gumawa ng sariling account. Puwedeng baguhin o i-cancel ang subscription anumang oras.

Loading…