Netizen dismayado sa PNP officer na nakamotorsiklo pero ang suot na helmet pang-bisikleta

Imahe mula kay Von Joshua Capistrano
  • Dismayado ang isang netizen sa pulis na nakamotorsiklo pero pang-bisikleta ang helmet na suot
  • Ang angkas nito ay mayroong helmet pero baligtad naman ang pagkakasuot – nasa likod ang visor
  • Ang ginawa ng PNP officer ay isang paglabag sa Republic Act (R.A.) No. 10054  na nag-aatas na ang mga motorcycle riders ay dapat nakasuot ng standard protective motorcycle helmet kapag nagmamaneho

Nagpahayag ng  pagkadismaya ang isang netizen sa isang police officer na nakamotosiklo subalit hindi tama ang helmet na suot nito.

Imahe mula kay Von Joshua Capistrano

Ang angkas ng officer ay nakasuot din ng helmet, pero baligtad naman ang pagkakasuot-  – nasa likod ang visor imbes na nasa harap ng mukha.

“Naranasan ko na mahuli ng sub-standard helmet, pero baket kayo ‘di nahuhuli. Nasa C-5 kayo bike helmet suot mo, chief,  tapos back ride mo baliktad helmet,” post ng netizen na si Von Joshua Capistrano s Facebook.

Umabot sa mahigit pitong libo ang nagbigay ng reaksyon sa post niya at mahigit 11,000 beses itong nai-share.

Ang ginawa ng PNP officer ay isang paglabag sa Republic Act (R.A.) No. 10054  na nag-aatas na ang mga motorcycle riders ay dapat nakasuot ng standard protective motorcycle helmet kapag nagmamaneho.

Ang helmet ay dapat may marka ng Philippine Standards o ng Import Commodity Clearance ng Bureau of Product Standards.

Ganito ang nakasaad sa Section 3 ng R.A. 10054: Mandatory Use of Motorcycle Helmets – All motorcycle riders, including drivers and back riders, shall at all times wear standard protective motorcycle helmets while driving, whether long or short drives, in any type of road and highway.

Imahe mula kay Von Joshua Capistrano

Ang exempted sa batas na ito ay ang mga tricycle drivers.

Ang unang paglabag ay may multang P1,500, P3,000 sa ikalawa, P5,000 sa third offense at P10,000 naman at kumpiskasyon ng driver’s license sa pang-apat na violation.

Loading…