Netizen hanga sa PNP officer na tumulong sa mag-asawang bulag para makatawid

Imahe mula kay Tin Dao-Anis
  • Saludo ang mga netizens sa good deed ng isang police officer sa La Trinidad, Benguet
  • Tinulungan niyang makatawid sa kalsadang maraming nagdaraang mga sasakyan ang  mag-asawang bulag
  • Nakunan ng larawan ng isang netizen ang kabutihan ng opisyal

Ibinahagi ng isang netizen mula sa La Trinidad, Benguet ang simpleng kabutihan na ipinamalas ng isang police officer sa mag-asawang bulag.

Imahe mula kay Tin Dao-Anis

Ayon kay Tin Dao-anis, naglalakad siya noon sa isang makipot na kalsada na palabas sa main road sa La Trinidad na maraming nagdaraang sasakyan nang mapansin niya sa ‘di kalayuan sa kanya ang isang pulis na ginagabayan ang isang babae at isang lalaki na parehong bulag.

“I was walking a busy narrow road when I saw them. The police officer continued guiding the two until they were able to cross the highway,” aniya.

Makikita sa larawang ibinahagi niya na nauunang naglalakad ang police officer habang nakakapit sa kanyang balikat ang lalaking bulag. Nakakapit naman sa balikat ng lalaki ang babaeng bulag din.

Mag-asawa raw ang  tinulungan ng PNP officer na hindi nakilala. Nagta-trabaho umano ang mag-asawa bilang mga masahista.

“Naantig po ako sa pagtulong ng pulis sa mag-asawang bulag, lalo na’t daming sasakyan ang dumaraan sa one-way na kalsada na iyon,” aniya.

Imahe mula kay Tin Dao-Anis

Binilisan pa raw ni Dao-Anis ang paglalakad niya upang masipat nang mabuti ang kabutihang nasasaksihan niya.

“Hindi po kilala ng pulis ‘yung dalawa. Nagta-traffic po ‘yung pulis sa kalsada tapos nakita niya ‘yung dalawa. Kaya binilisan ko paglakad ko para makunan ko sila ng video at photos,” wika ni Dao-anis.

Saludo rin sa good deed ng police officer ang mga netizens na nagkomento sa post ni Tin Dao-anis.

Ganitong mga tagpo ang masarap matanaw sa paligid.

Source :

Facebook

Loading…