Netizen ibinahagi ang pagpapakahulugan niya sa ‘tagumpay’

  • Bawat tao ay may kanya-kanyang pagpapakahulugan sa tagumpay o success
  • Iyan ang ibinahagi ng isang netizen
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens

Ano nga ba ang pagpapakahulugan mo sa tagumpay?

Para sa netizen na nagngangalang “Nimoel Aron Sarmiento,” may sarili na siyang pagpapakahulugan sa tagumpay, na ibinahagi niya sa Facebook post noong Hulyo 20, 2020, subalit patuloy pa ring ibinabahagi sa social media, at naitampok pa sa isang Facebook page na ‘Note.’

Imahe mula sa Facebook account ni Nimoel Aron Sarmiento

Salaysay niya, nagbago raw ang kaniyang pananaw sa usaping tagumpay sa edad na 20.

“My idea of success has changed when I reached the age of 20. I thought having a decent job is the real end game of life. I am also motivated with the idea of travels, buying cars, or eat in a fancy restaurants. I was wrong,” saad niya.

“The real turning point of our lives are not actually the things we can provide for ourselves. Kundi embracing and appreciating all the things we have at the moment. Please remember to live your life while you are busy fighting, surviving and trying. Happiness is a state of mind, dear. It just depends on how you see things,” paliwanag pa niya.

Sa dulo, napagtanto niya na ang mga pinakamahahalagang bagay sa daigdig ay maliliit at simpleng mga bagay lamang.

“I therefore conclude, that in life, little things are the ones that really matter. Live. Breathe. Enjoy.”

Samantala, paglilinaw niya, hindi niya hinihikayat na maging tamad ang mga tao at huwag nang humanap ng paglago o pag-unlad sa kani-kanilang mga sarili.

“I am not encouraging everyone to become lazy in life. As you can see from my post, what I am trying to say is to also LIVE your life while you are busy TRYING and WINNING. Sabi ko rin po, ‘Appreciate what you have at the moment’ and not be contented for what you have forever.”

Public Domain Image

“Just like you, I would like also to become successful in life to be able to use my own pocket to bless others lives. Additional to this, knowing contentment doesn’t mean that you have already settled.”

“I just want to remind each one of you that the real success in life is not always in big things. I know you know what I mean. May iba-iba tayong definition ng success at I highly understand and respect that. Trust God’s timeline has prepared for you kapatid.”

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens, na nakapagnilay-nilay rin sa kaniyang mga sinabi.

“I truly agree with this! Kasi kapag hindi natin mahanap ang contentment sa mahirap na sitwasyon, tayo lang din magsa-suffer so all we need to do is to embrace the blessings what we have,” wika ng isa.

Saad naman ng isa, “Okay lang maging kontento tayo sa meron tayo ngayon, pero we have to level up din naman. Don’t stop developing yourself.”

“The only place that we can really find true fulfillment and contentment is in Christ. Everything is meaningless kung wala si God,” sabi ng isa.

Public Domain Image

Ikaw, ano ang pagpapakahulugan mo sa tagumpay?

Loading…