Netizen ibinunyag ang natuklasang modus sa mga online shoppers

  • Ibinahagi ng isang concerned netizen ang kaniyang naranasang modus sa online shoppers
  • Nagpanggap umano ang manloloko bilang delivery rider
  • Mabuti na lamang at hindi ito nagtagumpay

Nakalulungkot isiping sa kabila ng nararanasang pandemya ngayon, may mga tao pa rin talagang mapagsamantala, at talagang ‘lumelevel-up’ ang kani-kanilang mga modus operandi, na nakikiayon din sa kung ano ang bagong kalakaran ngayon.

Iyan ang ibinunyag ng isang concerned netizen na isang certified online shopper. Minabuti niyang ibahagi sa publiko ang natuklasan niyang panibagong modus na may kinalaman sa online shopping. Walang takot niya itong ginawa upang maging mulat ang mga tao hinggil dito.

Public Domain Image

Salaysay niya, bandang hapon ay may dumating na isang nagpakilalang delivery rider na may dala-dala umanong parcel, na inorder raw ng concerned netizen, na umabot sa halagang 3,499 piso. Ito raw ay may actual plastic wrap, may pangalan niya, at incomplete address.

Kaya lang, hindi nakasaad dito ang kaniyang contact number at bar code sticker. Hindi rin natatandaan ng naturang online shopper kung talaga bang may inorder siyang umabot sa halos 3,500 piso ang presyo, dahil sa dami na rin ng kaniyang mga pending orders na hindi pa dumarating.

Naging alerto raw siya, saglit na pumasok sa kanilang bahay, at agad na isinara ang pinto. Kinabahan at kinutuban na raw siya kaya agad niyang sinabi ito sa kaniyang Mama at Kuya.

“Fast forward paglabas ko. I told him wala akong ganitong binili online. Then he immediately replied ‘Cancel na lang sir’ tapos he’s pretending to take picture of me which is protocol for online shopping so I took advantage and took a picture of him too.”

Public Domain Image

“A second after he left sinundan namin siya. Wala siyang motor or anything din. And from our house going to pa bodega siya dumaan so ang layo ng nilakad and pinanggalingan niya pa. Then may sumundo sa kanyang rider sa malayo which parang nakakatunog na sinundan sila kasi lingon na nang lingon.”

Napausal na lamang ng pasasalamat sa Panginoon ang online shopper na muntik nang maging biktima ng modus na ito.

“FOR EVERYONE’S INFO – The actual modus is like this. Perfect target ang house na may ibang kasama like your siblings or parents or what na from previous deliveries may history sa mga rider na COD but instead iba’t ibang member of the family ang nakaka-receive and nagbabayad.”

“Everyone in our family does online shopping and pay each other’s deliveries kahit na hindi na iniinform sinong actual member of the family kasi sanay na kami whomever ang madatnan lang sa baba. So if ang lumabas to receive the parcel is other member of the family and not me, nascam kami ng 3499. Classic 99 haha.

Public Domain Image

“Imagine, if your house always does online shopping pero ang history is its always the receiver who actually does receive the item then you are not a good target. Their prime target are your clueless members of the family. I’m not generalizing delivery riders pero most likely the only way for them to know that our delivery buying behavior is like this wherein iba-iba nagre-receive and pay, is for someone to tip off these types of people.”

Kaya naman, may pakiusap siya sa publiko.

“Please be aware. If binibilin sa iba ang pagre-receive ng deliveries, ALWAYS LOOK for actual BAR CODE with name and complete info on it. Otherwise reject it.”

Ikaw, naranasan mo na rin ba ang modus na ito?

Loading…