Netizen nananawagan ng tulong para sa kawawang mag-ina sa overpass

Image by Ricky Jay Laurio via Facebook
  • Mag-inang nasa overpass sa katirikan ng araw, kinahabagan ng netizen
  • Wala na umano ang asawa ni Nanay Jean at dalawa na lang sila ng anak niya na siyam na taong gulang 
  • Marami ang humiling sa mga programang pantelebisyon na tulungan ang mag-ina

Nahabag ang isang netizen sa kalagayan ng mag-inang naabutan niya sa overpass ng SM Fairview kaya’t nananawagan siya sa mga may kaya at may mabubuting kalooban na sana’y magkaloob ng tulong o ‘di kaya’y makaabot ang kanyang post sa programa ni Raffy Tulfo o ‘di kaya’y kay Jessica Soho.

Image by Ricky Jay Laurio via Facebook

Pagbabahagi ni Ricky Jay Lauro sa Facebook, “Magandang araw po sa inyong lahat. Ito po ang mag-inang naabutan ko sa overpass ng SM Fairview noong ako po ay papasok sa trabaho. Nakakalungkot po ang kalagayan ni nanay.”

Kinausap ni Ricky ang nanay na nagngangalang Jean na kasa-kasama ang siyam na taong gulang na anak na lalaki. Wala na umano ang asawa ni nanay at silang dalawa na lamang ng anak niya.

“Sila ay nasa overpass habang tirik na tirik ang araw, at napakainit ng panahon,” saad pa niya. “Humihingi po ako ng kaunting oras niyo para mai-share ang post na ito at makarating ito kay Ma’am Jessica at kay Idol Raffy Tulfo.”

Alam umano ni Ricky na malaki ang maitutulong ng mga ito kay nanay Jean at sa kanyang anak. “Maraming maraming salamat po sa pagbibigay ng oras para malaman ang kalagayan ng mag-inang ito.”

Habang ibinabahagi ito ay mayroon nang higit 55,000 reaksyon at nasa 132,000 shares ang post. Marami ang umusal ng panalangin para sa mag-ina.

Image by Ricky Jay Laurio via Facebook

Anang isa, “Sana makarating ito sa mga nakakaangat sa buhay.”

Komento ng isa pa, “Lord, sana may makatulong sa kanila. Huwag mo po silang pababayaan Lord.”

May nagsabi ng, “#Raffytulfoinaction sir sana po matulungan n’yo po sila. Salamat po ng marami sa programa n’yo po. Malaking tulong po sa aming mahihirap.” Dagdag pang komento, “Sir idol, tulungan n’yo po sila, kawawa naman po lalo na ‘yung bata.”

Image by Ricky Jay Laurio via Facebook
Source :

Facebook

Loading…