Netizen nanawagang pansinin din ang hirap ng mga magsasaka sa panahon ng pandemya

  • Umaapela ang isang netizen para sa mga gardeners at magsasaka
  • Sana ay mabigyang-pansin din sila sa panahon ng pandemya
  • Naapektuhan din kasi ang kanilang kabuhayan

“Bigyang-pansin din naman sana kaming gardeners…”

Iyan ang panawagan sa Facebook post ng netizen na nagngangalang ‘Rose Cosep’ mula sa Nueva Vizcaya kung saan umaapela rin siya ng tulong para sa mga magsasaka na naapektuhan din ang kabuhayan dahil sa pandemya.

Imahe mula sa Facebook account ni Rose Cosep

“Malaki ang puhunan, pambili sa mga pesticide, insecticide, abono at semilya. Magbubungkal ng lupa para pagtamnan. Umulan man o umaraw. Pawis, luha, at pagod tapos pagdating sa bentahan sa basurahan pala ang bagsak. So sad,” saad niya.

Kalakip ng kaniyang post ang isang larawan ng mga kamatis na tila itinapon na lamang sapagkat hindi na ito naibenta pa sa mga pamilihan, dahil sa pagtaas din ng presyo nito.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Moving tons of tomatoes everyday is very challenging madaling masira ang kamatis, sana matuto na rin iba nating farmers ng integrated farming..,” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “It’s so sad na makita ang sitwasyon na ganyan, sana mabigyang-pansin din ang mga gardeners ngayon, they are suffering too much.”

Pahayag naman ng isa, “Sayang naman kapag itapon mga kamatis, kawawa mga farmers na may puhunan diyan, at binigyan din ng maraming panahon para lang dumami mga bunga. Sana dalhin na lng dito sa Manila.”

Imahe mula sa Facebook account ni Mike Carub Engr

Samantala, sa isa namang Facebook page para sa mga taga-Nueva Vizcaya, makikita ang isinagawang libreng training para sa paglikha ng tomato sauce, tomato paste, at tomato powder upang hindi naman masayang ang mga kamatis na pinagpagurang itanim at anihin ng mga magsasaka.

“Magandang inisyatiba ito upang makatulong sa mga tomato gardeners lalo na’t bagsak ang presyo ng mga kamatis,” komento ng isa.

Sana nga ay mapansin din ang hinaing ng ating mga magsasaka!

Loading…