Netizens hati ang opinyon sa P88k per unit ng laptop na binili para sa DepEd

Imahe mula sa The Verge
  • Nahati ang opinyon ng mga netizens dahil sa laptop na binili ng Bacolod City government para magamit ng DepEd
  • Ang presyo ng laptop at P88,610 bawat isa
  • May nagsabing sobrang taas ng specs ng mga laptop kung gagamitin lang sa pagtuturo ng mga guro
  • May mga nagsabing sakto lang ang specs lalo na kapag nagho-host ng video calls at nagbubukas ng maraming apps ang guro

Hati ang opinyon ng mga netizens sa 80 units ng  laptop na binili ng Bacolod City government para magamit ng Department of Education (DepEd). Nagkakahalaga umano ang bawat isa nito ng P88,610. Ito ay batay sa Notice of Award na ibinigay ng city government sa winning bidder.

Imahe mula sa Revolutionary Bacolod Facebook page

“We are pleased to notify you that the purchase of 80 units of laptop for the use of DepEd with an ABC (approved budget for the contract) of P7,200,000 hereby awarded to you as the bidder with the single calculated responsive bid at a contract price equivalent to seven million eighty eight thousand  eight hundred pesos only (7,088,800),” saad sa bahagi ng Notice of Award na pinirmahan ni Mayor Evelio Leonardia noong October 23, 2020.

Nahati ang opinyon ng mga netizens nang lumabas ang mga screenshot ng Notice of Award sa Facebook page ng Revolutionary Bacolod.

Ayon sa maraming netizens, batay sa specs ng laptop na mababasa sa purchase order form ay tama lang at hindi overpriced ang presyong P88,610. Pero pang-gaming na raw ang ganoong specs at tila sobra-sobra para sa pangangailangan sa pagtuturo.

Imahe mula sa Revolutionary Bacolod Facebook page

Narito ang ilan sa mga nagsasabing sobra sa pangangailangan ng mga guro ang ganoon kataas na specs ng laptop:

“It’s not overpriced but matter of needed ba for educational purpose ang ganyang specs.”

“Price might be right based on the specs but the specs is overkill for the use of DepEd/teachers.”

“Could’ve canvanssed the latest MacBook air that costs just around 55k that’s even cheaper than this XPS one.”

Imahe mula sa Revolutionary Bacolod Facebook page

Narito naman ang ilan sa mga nagsabing swak sa pangangailangan sa online teaching ang mataas na specs ng laptop:

“Sa panahon ngayon, laptops suitable for video editing is a must lalo na for teachers, those price and specs.”

“Mukhang ok naman ang price-spec ratio. ‘Pag mag-host ka ng videocalls then opening multiple apps as resources during online lessons, you need a good speced pc. Para dependable at maging uninterrupted ang lessons. Durability and longevity of built might have been considered as well kaya yan “siguro” ang binili. Agam agam lang lols.”

 “Mukhang ok naman.. sakto lang presyo…’Pag maayos at mataas na kalidad ang ibibigay sa mga teacher, ang sasabihin, overkill. ‘Pag mababang klase, sasabihin, nagbigay pa.. ano ba talaga dapat? ‘Yung laptop na nabili ko, ganyan din presyo. Sakto lang. ‘Di pang gaming but more on presentation.”

  

Source :

Facebook

Loading…