Netizens namangha, humanga sa transformation ng vlogger na si ‘Snake Princess’

Imahe mula sa Facebook ni Snake Princess
  • Namangha ang maraming netizens sa transformation ng vlogger na si ‘Snake Princess’
  • Ibinahagi ng vlogger sa Facebook ang pagbabago ng kaniyang hitsura
  • Marami man ang natuwa, mayroon pa ring nagsabing mas gusto nila ang dating ‘Snake Princess’

Maraming netizens ang humanga sa nakamamanghang transformation ng Cebuano vlogger na si Mark Anthony Abucejo, na kilala rin bilang ‘Snake Princess’.

Nitong Lunes, ibinahagi ni Snake Princess sa Facebook ang pagbabago ng kaniyang hitsura matapos sumailalim sa cosmetic enhancement procedure na isinagawa ng One Nadela Medical Group.

Sa unang mga larawan ay ipinakita ng vlogger ang pagbabago sa kaniyang mukha – simula dati hanggang sa siya ay maayusan. Mayroon itong caption na “SNAKE PRINCESS – BEFORE AND AFTER”.

Screenshot mula sa Facebook ni Snake Princess

Pinasalamatan rin niya ang mga sponsors na sumuporta sa kaniyang transformation kabilang na ang Foodpanda, Chill Café at make-up artist na si Jasper Amorin.

Kaniya-kaniya namang opinyon at reaksiyon ang mga netizens at followers ni ‘Snake Princess’ subalit karamihan ay talagang napahanga sa nakitang pagbabago sa hitsura ng Cebuano vlogger.

“The snake goddess! Omg i am so happy that now you feel even more confident about yourself. You are beautiful, no matter what! Soar high! Fly!,” ayon sa isang nag-comment.

“Worth it ang gastos super nice ang result.. Congrats snake princess gwapa najud kaayo ka.. Sana all,” sang-ayon ng isa.

“No matter what happens always believe in yourself snake princess , always do whatever makes you happy. I always love the genuine you the real you , nevermind bashers and haters just make them as your motivation and inspiration to become more a better person laban lang im always your avid fan,” dagdag naman ng isang commenter.

Screenshot mula sa Facebook ni Snake Princess

Gayunpaman, gaya ng inaasahan, mayroon pa ring hindi sang-ayon sa transformation ni ‘Snake Princess’.

Wika ng isang follower, “Mas gwafa ka when you had your natural beauty.”

“Mas gwapa yong wala pa xa mag ka retoke sa ilong. Natural beauty. But ok ra man gihapon if naay changes ang nawong ayaw lang ang Batasan,” ayon naman sa isa.

Sa kabuuan, karamihan ay natuwa sa transformation ni Snake Princess at umaasa na sana ay hindi magbago ang kaniyang ugali at manatiling humble.

Panoorin ang video ng kaniyang ‘nose reveal’:

Loading…