Northbound section ng Skyway Extension structurally complete na, malapit nang buksan

Imahe mula sa SMC
  • Structurally complete na ang northbound section ng Skyway Extension project
  • Lalatagan na lang ito ng aspalto bago buksan sa mga motorista
  • Mula sa SLEX ay maaari nang marating ang NLEX sa loob lang ng 25 to 30 minutes, ‘di gaya noong dati na inaabot ng mula dalawa hanggang tatlong oras

Maisasakatuparan na ng San Miguel Corporation (SMC) ang ipinangako nito sa publiko na magbigay ng pangmatagalang solusyon sa lumalalang trapiko sa South Luzon Expressway (SLEX) sa bandang Alabang, Muntinlupa.

Imahe mula sa Wheels.ph

Pormal na inanunsyo ni Ramon S. Ang ng SMC, na ang northbound section ng Skyway Extension project ay structurally complete na. Lalatagan na lang ito ng aspalto sa katapusan ng Marso.

“I’m happy to announce that soon, we can open the northbound section of the Skyway Extension for our motorists coming from the south. This almost four-kilometer, three-lane expansion will have an additional capacity of 4,500 vehicles per hour, significantly easing congestion and allowing motorists to bypass the Alabang viaduct. Those coming from SLEX or MCX can go up the ramp at Susana Heights, and directly go to Makati, Manila, Skyway 3, all the way to Quezon City and North Luzon Expressway,” aniya.

Sabi pa ni Mr. Ang, mula sa SLEX ay maaari nang makarating ang mga motorista sa North Luzon Expressway (NLEX) sa loob lang ng 25 to 30 minutes, ‘di gaya noong dati na inaabot ng mula dalawa hanggang tatlong oras.

Hindi na kasi dadaan sa mga dating chokepoints tulad ng Alabang viaduct, Magallanes at EDSA.

Malaking ginhawa umano ito sa maraming mga motorista at malaki ang maitutulong upang maibsan ang trapiko sa southern Metro Manila.

Imahe mula sa SMC

Ang northbound section ng Skyway extension ay noon pa sanang December 2020 nakatakdang buksan subalit naantala dahil sa pandemya.

Samantala, ang southound section ng proyekto ay nasa 52.31 completion rate na at inaaasahang matatapos sa July ngayong taon.

Source :

BWO, Philstar

Loading…