NTF binawi ang pagbabawal na umuwi sa mga Pinoy na hindi OFW; lahat ng Pinoy puwede nang umuwi

Imahe mula sa PNA
  • Pinayagan nang makapagbalikbayan ang lahat ng mga Pinoy, OFW man o non-OFW
  • Lahat ng mga foreign nationals ay pansamantalang hindi papayagang makapasok sa Pilipinas mula March 22, 2021 hanggang April 21, 2021, pero may exemptions
  • Ang bilang ng papayagang makapasok sa Pilipinas, Pinoy man o banyaga, ay ibabatay sa arrival quota na itinakda ng Department of Transportation na 1,500 passengers a day

Binawi ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 ang nauna nitong inilabas na memorandum na nagsasaad  ng restriksyong makapasok ng Pilipinas ang mga Pinoy na hindi overseas Filipino worker (OFW).

Imahe mula sa Philippine Flight Network

Matatandaang noong March 16, 2021 ay inilabas ng NTF ang Memorandum Circular No. 5 na ganito ang nakasaad: “Temporary suspension of travel into the Philippines of foreigners and returning Filipinos who are non-Overseas Filipino Workers (non-OFWs).”

Sa pamamagitan ng Memorandum Circular No. 6 na may petsang March 18, 2021, nilinaw ng NTF na lahat ng mga Filipino citizens, kabilang ang mga non-OFWs ay papayagang makapasok ng bansa.

Nakasaad din sa bagong memorandum na ang lahat ng mga foreign nationals ay pansamantalang hindi papayagang makapasok sa Pilipinas mula March 22, 2021 hanggang April 21, 2021.

May exemptions naman sa patakarang ito para sa mga banyaga. Ito ang mga exempted sa patakaran:

  • Diplomats and members of international organizations and their dependents provided they hold a  9(c) or 47(a)(2) visa at the time of entry
  • Foreign nationals involved in medical repatriation endorsed by the Department of Foreign Affairs provided they have a valid visa at the time of entry
Imahe mula sa UNTV
  • Foreign seafarers under the “Green Lanes” program for crew changeprovided they hold a 9(c) crew list visa
  • foreign spouses and children of Filipino citizens with valid visas at the time of entry
  • Emergency, humanitarian and other analogous cases approved by the NTF

Ang bilang ng papayagan na makapasok sa Pilipinas, Pinoy man o banyaga, ay ibabatay sa arrival quota na itinakda ng Department of Transportation na 1,500 passengers a day.

Imahe mula sa Philippine Flight Network
Source :

GMA , Inquirer

Loading…