One million doses ng Sinovac vaccine darating na

Imahe mula sa Taiwan News
  • Nakatakdang dumating ngayong Lunes ng hapon, March 29, ang 1 million doses ng Sinovac COVID-19 vaccine
  • Personal na sasalubungin ito ni Pres. Duterte sa Villamor Airbase
  • Sinabi ni Sen. Bong Go na tuluy-tuloy ang pagbili ng gobyerno ng mga COVID-19 vaccines mula sa iba’t ibang manufacturers at suppliers

Nakatakdang dumating ngayong Lunes ng hapon, March 29, ang 1 million doses ng COVID-19 vaccines na gawa ng Sinovac. Ito ang first batch ng mga bakuna  na binili ng pamahalaan na darating sa bansa. Bukod ito sa mga nauna na nang dumating na donasyon mula sa COVAX facility.

 

Imahe mula sa Daily Sabah

Personal na sasalubungin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdating ng mga bakuna sa Villamor Airbase. Mula sa Davao City ay bibiyahe ang Pangulo patungo sa airbase para saksihan ang pagdating ng Sinovac vaccines na sakay ng PAL A330 aircraft.

Tiniyak ni Senator Christopher “Bong” Go na tuluy-tuloy na ang mga deliveries ng COVID-19 vaccines sa bansa batay sa mga kasunduang pinirmahan ng gobyerno sa mga vaccine manufacturers at suppliers.

“Tuluy-tuloy ang pagbili ng gobyerno. Hopefully, sa Abril, may 5 million doses ng bakuna na naka-line up. Pagdating ng Mayo, mayroong additional na naman. Sana tuluy-tuloy ‘to. By second quarter, marami na ang mabakunahan at target mabakunahan ang 70 million by the end of the year para unti-unti natin ma-attain ang herd immunity,” wika ng senador.

Ayon pa kay Sen. Go, na chairman ng Senate Committee on Health, na ang mga parating na COVID-19 vaccines ay sapat na para sa lahat ng mga health frontliners ng bansa, na una sa listahan ng mga dapat mabakunahan.

Screenshot mula sa RTVM Facebook video

“Mayroon na tayong around 1.5 million na mga donated. Kalahati nito ay good for 750,000 frontliners. Ang good news, darating na sa Lunes ang mga binili ng gobyerno. Sasalubungin ni Pangulong Duterte ang 1 million doses ng Sinovac. Mayroon pa mga 900,000 na darating mula sa COVAX Facility soon. Magtu-total ito ng 3.4 million  so enough ito sa frontliners natin,” aniya.

Hinikayat niya ang publiko na magtiwalang ang pamahalaan ay magbibigay ng sapat, ligtas at epektibong COVID-19 vaccine para sa lahat ng mga Pilipino.

 

Source :

Philstar, PNA

Loading…