‘OOTD’ ni Heart Evangelista habang nasa grocery store pinag-usapan

  • Pinag-usapan ng mga netizens ang ‘OOTD’ ni Heart Evangelista sa isang grocery store
  • Agaw-atensyon ang kaniyang couture outfit
  • Hindi rin nakaligtas sa mga mapanuring mata ng netizens ang kawalan niya umano ng suot na face mask at face shield

Talaga namang napa-sana all ang mga netizens sa ‘Outfit of the Day’ o OOTD ng sikat na aktres, fashionista, at vlogger na si Heart Evangelista habang siya ay nasa grocery store at namimili.

“Once upon a time at the grocery,” saad sa caption ni Heart na misis ni Sorsogon Governor Chiz Escudero, na dati ring naging senador, at tumakbo sa pagka-bise presidente ng bansa. Makikita ang kaniyang mga larawan sa Facebook at Instagram.

Imahe mula sa Facebook account ni Heart Evangelista

Samo’t sari ang naging reaksyon at komento ng mga netizens sa OOTD ni Heart na may nakatakdang teleserye katambal ang bagong Kapusong si Richard Yap. Ito ay may pamagat na ‘I Left My Heart in Sorsogon.’

“Ang sosyal naman ng nag-grocery. Mapapa-sana all ka na lang talaga!” wika ng isa.

Turan naman ng isa, “Living proof si Heart that Couture fashion can be worn anywhere at anytime. Enjoy mo lang po iyan and don’t mind the negative feedback na puwedeng lumabas after mo gawin iyan!”

“Ganyan din naman ako minsan. Nagsusuot din ako ng magagandang damit kapag nasa grocery store o supermarket para magmukhang rich at hindi mahalatang todo-budget ako sa mga binibili ko. Unlike Heart, talagang fashionista at mayaman!” pahayag naman ng isa.

Ayon naman sa isa, “This isn’t your angle, love. You look matured here. But still very gorgeous though.”

Sa kabilang banda, may mga sumita naman kay Heart dahil mapapansing wala siyang suot na face shield at face mask nang kunan siya ng larawan.

Imahe mula sa Facebook account ni Heart Evangelista

“Nasaan po ang face mask and face shield? Nasa pampublikong lugar po kayo. Baka kapag karaniwang tao ang gumawa niyan, may multa na kaagad at dinala na kaagad sa presinto. Double standard naman po!” saad naman ng isa.

Saad naman ng isa, “Tapos yung sa MRT na nagtanggal ng mask at face shield sabay selfie, kakasuhan ng DOTr at MRT? Hmmm…”

“Iba talaga kapag mayaman okay lang na hindi naka-face mask at face shield. Kawawa naman iyong babae sa MRT kakasuhan agad. May punto naman yung sinabi ni Agot Isidro na hindi ngayon ang panahon para magmayabang,” opinyon naman ng isa.

Pagtatanggol naman sa kaniya ng isang netizen, may suot siyang face mask at face shield at hinubad lamang ito para sa selfie ngunit binalik din kaagad. Posible ring old photo na ito dahil  ang sabi naman sa caption ay “Once upon a time…”  na katumbas ng ‘noong araw’. O ‘di ba?

Loading…