Ordinansa para makagawa ng mas marami pang in-city housing projects pirmado na ni Yorme

Imahe mula kay Mayor Isko Moreno
  • Pinirmahan ni Yorme ang Housing Ordinace No. 8730 na magbibigay katuparan sa pangarap niyang mabigyan ng disenteng bahay ang mga Manileño
  • Palalakasin din ng ordinansa ang kakayahan ng city government na makabili ng mga lupa para sa mga landless residents
  • Nilinaw ni Mayor Isko na hindi magiging pag-aari ng  mga benepisyaryo ang mga housing units upang maiwasan na iyon ay ibenta sa iba

Pinirmahan ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang Housing Ordinance No. 8730 na magbibigay katuparan sa pangarap niyang mabigyan ng maayos at disenteng tahanan ang mga informal settler families at ang mga Manileñong nangungupahan lang ng tirahan.

Imahe mula sa Manila PIO

Sa bisa ng ordinansa ay gagawa ang lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Maynila ng mas maraming vertical at horizontal in-city housing projects. Palalakasin din ng ordinansa ang kakayahan ng city government na makabili ng mga lupa para sa mga landless Manileños.

“Kabilang po sa ating ongoing na horizontal housing project ay ang BASECOmmunity kung saan mayroong 229 units per 2-storey apartment. Floor area po nito ay 42 square meters, kasya ang dalawang bedroom!” pahayag ni Yorme.

“Ongoing rin po ang construction ng TONDOminium 1 and 2 sa Vitas, Tondo! Kasalukuyan pong nasa 9th floor na po ang tapos sa target nating 15-storey vertical housing! Approximately 336 families naman ang makikinabang para dito sa ating vertical housing program na ito kung saan may laki ang bawat kwarto ng 44 square meters.” sabi pa niya.

Nilinaw ni Mayor Isko na hindi magiging pag-aari ng  mga benepisyaryo ang mga housing units. Ito ay upang maiwasan na iyon ay ibenta sa iba.

Imahe mula kay Mayor Isko Moreno

Bukod sa mga informal settler families at renters, may planong housing project din ang city government para sa mga mahihirap na empleyado ng munisipyo.

Loading…