‘Overran, overwhelmed’: Mga ospital puno na ng pasyente; Makati nagpasaklolo na rin sa nat’l gov’t

Imahe mula sa ABS-CBN News
  • Puno na ang mga ospital at pagod na rin ang mga medical staff
  • Ayon sa PHA, nangyayari na ang kinatatakutan nila
  • Maging ang Makati City ay nagpasaklolo na rin sa national gov’t

Nangyayari na umano ang kinatatakutan ng mga ospital at ito ay ang mapuno sila ng mga pasyenteng may COVID-19 kasunod ng paglobo ng bilang ng mga nahawahan sa bansa.

Sa panayam ng GMA News, sinabi ni Philippine Hospital Association (PHA) president Dr. Jaime Almora na ‘natalo’ na tayo sa ating laban kontra COVID.

Imahe mula sa DW

“Nangyayari na ‘yung kinatatakutan nating mangyari. Hindi tayo natatalo, natalo na,” ani Dr. Amora sa GMA News.

Hindi naman daw ang kapasidad ng mga hospital ang problema kung hindi ang kapabilidad nila na alagaan ang mga pasyente dahil sa kakulangan ng manpower.

“Ibig sabihin kung wala silang capability, not necessarily wala silang capacity. Kung beds ang pag-uusapan, merong beds. Ang wala ay ang mag-aasikaso sa pasyente,” wika ng opisyal ng PHA.

Imahe mula sa PHAPi

Dahil dito nanawagan ang PHA sa gobyerno na magpadala na ng ‘reinforcements’ na mga doktor at nurses sa mga ospital na puno ng pasyente.

Para naman sa mga nagpositibo sa COVID subalit hindi naman malala, sana raw ay mag-home quarantine na lang muna sila at tumawag ng mga doktor na dadalaw sa kanilang bahay.

Makati City nagpasaklolo na 

Samantala, nagpasaklolo na rin sa national government ang Makati dahil napupuno na ang mga pagamutan sa lungsod.

“The local initiatives are not sufficient that’s why we are hoping that the national [government] will help us with the isolation facilities, which was the arrangement last year,” ani Mayor Abby Binay sa panayam ng ABS-CBN News.

Ang masakit pa nito, ayon sa alkalde, maging ang mga isolation facilities ng national gov’t ay puno na rin.

Imahe mula sa My Makati

Ang Ospital ng Makati at Makati Medical Center ay kapwa nasa full capacity na at marami pa ring nasa waiting list na mga pasyente at kasalukuyang nasa emergency room.

Patuloy na rin daw ang pagkonti ng mga medical staff at kahit pa mayroong mga opening, takot rin ang iba na mag-apply dahil sa COVID.

“I think it’s unfair also to keep on expecting so much from the LGU and those are situations that are not peculiar to Makati but is currently being experienced across the country,” ani Binay.

Sa ngayon umano ay halos wala na ring pahinga ang mga LGUs tulad ng Makati dahil sa vaccination program, pagpapatupad ng health protocol at dinagdagan pa ng pamamahagi ng ayuda kasunod ng pagdedeklara ng ECQ sa NCR Plus.

Samantala narito ang update mula kay Mayor Binay ng Makati:

Loading…