P-pop boy group na Alamat itinatag pantapat sa K-pop

Imahe mula sa Alamat
  • Binuo ang P-pop boy group na Alamat bilang pangontra sa konsepto ng K-pop
  • Inamin ng grupo na inspirasyon nila ang K-pop subalit ang intensyon nila ay palaganapin ang kultura ng Pilipinas
  • Ang siyam na miyembro ng Alamat ay mula sa iba’t ibang panig ng bansa

Isang bagong Pinoy pop (P-pop) boy group ang ipinakilala ng Viva Entertainment noong Nobyembre ng nakaraang taon – ang Alamat – na binubuo ng siyam na miyembro mula sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

Imahe mula sa Alamat

Ang Alamat ay isang sing-dance-rap boy group na gumamit ng mga elemento ng Western pop music at Korean pop (K-pop) music para gumawa ng sariling tatak sa  musika sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng kultura ng Pilipinas.

Ang mga miyembro ng grupo ay sina Taneo, Mo, Jao, Kin, Tomas, R-Ji, Valfer, Gami at Alas. Isa sa mga katangian ng bawat miyembro ay ang pagiging fluent sa dialect na ginagamit sa kanilang probinsyang pinanggalingan.

Si Taneo ay mula sa Tabuk City sa Kalinga, si Mo ay sa Zambales, Jao ay sa Pampanga, si Kin ay taga-Quezon City, si Tomas ay Bikolano, si R-Ji naman ay Waray mula sa Eastern Samar, si Valfer ay taga Bacolod City, si Gami ay taga-Bohol at si Alas ay taga Davao City. Ginamit ng grupo ang mga dayalekto nila sa debut album nilang “kbye.”

Imahe mula sa Ninuno Media

Bukod sa mga dayalekto, ipinakikita ng Alamat ang impluwensya ng Pilipinas sa pamamagitan ng kanilang mga kasuotan.

Ayon sa Ninuno Media ng multi-awarded director na si Jason Paul Laxamana, ang mentor, discoverer at creative director ng grupo, ang Alamat ay binuo para pangontra sa konsepto ng K-pop.

“Alamat was formed with the ‘counter-Kpop’ concept. It uses the formula of Kpop—intensive training, audiovisual music, commercial appeal, etc.—but promotes Filipino culture and sensibilities instead. Crucial to this concept is its commitment to multilingualism. The idea is, if we seek to genuinely embody the Philippines, Alamat should reflect the country’s cultural and linguistic diversity,”ayon sa Ninuno Media.

Imahe mula sa Alamat

Inamin din ng mga miyembro ng Alamat na iniidolo nila ang K-pop groups, partikular na ang Big Bang.

Sabi nila, inspirasyon nila ang K-pop pero ang goal nila ay maipalaganap ang kultura ng Pilipinas.

Panoorin at suportahan ang Alamat!

Loading…