P500-M na kontrata ng LTO para sa screw ng plaka, ikinabahala ni Sen. Gordon

Screenshot mula sa You Tube
  • Ibinunyag ni Gordon ang ‘maanomalyang bidding’ ng LTO para sa turnilyo na nagkakahalaga ng P500-M
  • Tiyak umanong maraming makikinabang na naman sa ganitong iregularidad
  • Maaari naman daw bumili ang mga vehicle owners ng turnilyo na gusto nila na mas mura pa

Naalarma si Senador Richard Gordon dahil sa lumabas na ‘maanomalyang bidding’ ng Land Transportation (LTO) para sa supply ng turnilyo (screws) ng mga plaka ng sasakyan na nagkakahalaga umano ng kalahating bilyong piso (P500-M).

Ayon sa mambabatas, posibleng maging daan na naman ito para sa kurapsyon ng ilang opisyal at empleyado ng ahensiya.

“Imagine how they tried to make money with screws; anyone would have just bought any kind of ordinary screws, but in this case, [vehicle owners] were obliged,” ani Gordon.

Imahe mula sa MotoPinas

Kasama kasi sa babayaran ng mga may-ari ng sasakyan ang mga turnilyo ng plaka at ito ay manggagaling din dapat sa LTO. Hindi maaaring gumamit ng ibang turnilyo ang mga vehicle owners dahil may kaakibat itong multa kapag nahuli.

“This really boils down to graft and corruption, and I can say this early that that will be our recommendation, because they caused undue injury to all parties: motorcycle riders, the consumers,” wika pa ng senador.

Sa panayam ng GMA News, iginiit ni Gordon na tiyak na mayroong makikinabang na naman sa mga ganitong kontrata.

“Ang lumalabas sa akin P500 million. Binayad ‘yan doon sa supplier. Alam mo na, may kickback ‘yan. Sigurado ako kung ganyan ang sinasabi nila,” ayon kay Gordon.

Imahe mula sa Top Gear

Hindi raw niya maintindihan kung bakit kailangan pang magkaroon ng preference sa gagamiting screw samantalang maaari naman bumili ang mga may-ari ng sasakyan ng guston nila at tiyak na makakamura sa presyo.

Sa milyon- milyong kotse, motorsiklo at mga trak sa bansa, talagang malaking pera ang makukuha rito.

Tiniyak ni Gordon na ang nasabing kuwestiyonableng kontrata sa screw, kabilang na ang iba pang diumano’y katulad na iregularidad, ay kasama sa magiging basehan ng rekomandasyon ng committee ng Senado para sampahan ng reklamong graft ang mga opisyal ng LTO.

Loading…