Pabago-bagong testing at quarantine protocols sa OFWs, pinaiimbestigahan sa Kamara

Imahe mula sa PNA
  • Pabago-bagong testing at quarantine protocols para sa returning Filipinos na ipinatutupad ng pamahalaan pinaiimbestigahan sa Kamara
  • Ang mga pagkalito sa pabago-bagong health protocols ay nakapagdudulot umano ng stress sa mga OFWs
  • May persepsyon din umano na hindi patas ang pagpapatupad ng health protocols nang ginawang exempted sa testing at quarantine protocols ang mga government personnel na nasa official trip

Naghain ng House resolution si Kabayan Partylist Representative Ron Salo para imbestigahan ang pabago-bagong testing at quarantine protocols na ipinatutupad ng pamahalaan para sa mga taong pinapayagang makapasok sa bansa, partikular na ang mga overseas Filipino workers (OFWs).

Imahe mula sa PNA

Sa paghahain ng House Resolution 1650, nais ni Rep. Salo na siyasatin ng Committee on Overseas Workers Affairs ang diumano ay “flip-flopping” ng testing at quarantine protocols para sa mga OFWs.

Ipinunto ni Rep. Salo na ang ginawa ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na pag-iisyu ng “inconsistent” protocols ay nagdulot ng stress sa mga OFWs na nagbabalik sa bansa.

“The frequently changing testing and quarantine protocols for all persons allowed entry to the Philippines has caused confusion and stress to returning Filipinos, especially to OFWs who are returning for emergency reasons, such as terminal illness or death of a family member,” anang mambabatas.

“All this confusion on the protocols is compounded by the unnecessary stress caused by voluminous declarations and documents that need to be signed by the returning Filipinos, particularly the OFWs,” dagdag pa niya.

Aniya, noon pang Abril ng nakaraang taon inirereklamo ng mga OFWs ang nakalilitong protocols mula sa Department of Foreign Affairs at Overseas Workers Welfare Administration.

Imahe mula kay Rep. Ron Salo

May persepsyon din umano na hindi patas ang pagpapatupad ng health protocols nang ginawang exempted sa testing at quarantine protocols ang mga government personnel na nasa official trip.

Source :

Facebook, GMA

Loading…