Pagbabawal lumabas sa mga menor de edad, isang paglabag sa kanilang mga karapatan – UNICEF

  • Ang ipinatupad ng Metro Manila Council na bawalang lumabas ang mge menor de edad ay isa umanong paglabag sa karapatan ng mga bata, ayon sa UNICEF
  • Sa pagtugon sa pandemya, dapat daw na kinukonsidera ang pagbibigay ng proteksyon sa kapakanan at dignidad ng mga bata
  • Ang pagbabawal sa mga menor de edad na lumabas ng bahay ay muling ipinatupad simula noong March 17 dahil sa pagsipa ng COVID-19 cases sa Metro Manila at sa ibang panig ng bansa

Ang pagbabawal sa mga menor de edad  na lumabas ng bahay sa loob ng dalawang linggo upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 ay isang paglabag sa karapatan ng mga bata, ayon sa United Nation International Children’s Emergency Fund (UNICEF).

Imahe mula sa UNICEF

Sinabi ng UNICEF na kinikilala nito ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan sa pagtugon sa pandemya, subalit ang desisyon ng mga Metro Manila mayors na pagbawalang makalabas ng kanilang tahanan ang mga batang may edad 17 pababa sa loob ng dalawang linggo ay maituturing na paglabag sa kanilang karapatan.

“UNICEF acknowledges the efforts put in place by the Government of the Philippines to control the recent surge in COVID-19 infections. However, the recent decision of the Metro Manila Council, through the Metropolitan Manila Development Authority, to explicitly prohibit minors from going outside for a period of two weeks, in a bid to contain the transmission of the virus in the metropolis, can be considered an infringement of children’s rights,” ayon sa UN agency.

Sa pagtugon sa pandemya, dapat kinukonsidera ang pagbibigay ng proteksyon sa kapakanan at dignidad ng mga bata.

“As the pandemic enters its second year, the impact on children and young people’s psycho-social wellbeing and mental health risks is taking a toll,” ayon sa ahensya ng United Nations.

Imahe mula sa Quezon City government

Ayon pa sa UNICEF. dahil umano sa mahigpit na mga restriksyong ipinatutupad simula pa noong unang kumalat ang COVID-19, ang mga bata ay nalayo na sa kanilang mga kamag-anak, guro at kaibigan. May epekto raw ito sa mga bata.

Ang pagbabawal sa mga menor de edad na lumabas ng bahay ay muling ipinatupad simula noong Miyerkules, March 17, dahil sa pagsipa ng COVID-19 cases sa Metro Manila at sa ibang panig ng bansa.

Source :

UNICEF, GMA

Loading…