Pagbabawal sa “photobomber” infrastructure na makasisira sa view ng national shrines, lusot sa Kamara

Public domain
  • Inaprubahan na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang  Cultural Property Sightline Act
  • Ang panukala ay magbabawal sa real property development na makasisira sa view ng national shrines, monuments at iba pang cultural landmarks
  • Ang panukala ay nag-ugat sa kontrobersyal na pagtatayo ng Torre de Manila condominium building na nakasira sa view ng Rizal monument sa Luneta Park

Inaprubahan na ng House of Representatives sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang ipagbawal ang anumang real property development projects na makasisira o makahaharang sa view ng mga national shrines, monumento at iba pang landmarks.

Public Domain image

Noong Lunes, March 15, ay inaprubahan na ng mababang kapulungan ng kongreso ang House Bill Number 8829 o ang Cultural Property Sightline Act na naglalayong amyendahan ang National Cultural Heritage Act of 2009 sa botong 210 “yes” votes, zero “no” votes” at zero abstention.

Oobligahin din ng panukala ang mga local government units na gumawa ng ordinansa para sa proteksyon ng cultural property sa kanilang nasasakupan.

Ang panukalang batas na inihain ni Representative Edcel Lagman ay nag-ugat sa kontrobersyal na pagtatayo ng Torre de Manila condominium building na mayroong 49 na palapag.  Tinagurian itong national photobomber dahil sinira nito ang view ng monumento ng pambansang bayaning si Jose Rizal sa Luneta Park.

“It obstructs the skyline even as it distracts the viewers from remembering Rizal’s heroism and martyrdom in Luneta and the dire effects of Spain’s colonial rule,” ani Lagman sa kanyang panukalang batas.

Imahe mula sa Wazzup Pilipinas

Nagbunsod ng mga protesta at kritisismo ang kontrobersyal na condominium building, lalo na nang maglunsad ang yumaong cultural enthusiast na si Carlos Celdran ng online  campaign para ipatigil ang proyekto noong 2012.

Ang proyekto ng DM Consunji, Inc. ay nabigyan ng building permit mula sa Manila city government sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Alfredo Lim noong 2012.

Source :

Inquirer, Remate

Loading…