Pagbabawas sa workload ng mga guro, ipinanukala sa Kongreso

  • Pagbabawas sa non-teaching functions ng mga guro para makapagpokus sa pagtuturo, ipinanukala sa Kongreso
  • Cong. Joey Salceda: “Teachers now perform everything from 4Ps compliance report to student registration requirements”
  • Kapag hindi aniya hahayaang makapokus ang mga guro sa pagtuturo, parang hindi na rin hinahayaang matuto ang mga mag-aaral sa mga guro

Ipinanukala sa Kongreso ang pagbabawas sa workload ng mga guro partikular ang mga non-teaching functions para makapagpokus ang mga ito sa pagtuturo at nang mapataas ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

Image by Joey Salceda via Facebook

“Teachers are the frontliners in any education system. The quality of education rises and falls on the amount and quality of support extended to teachers,” ang pahayag ni Albay Rep. Joey Salceda sa pagdinig ng House Committee on Basic Education and Culture kamakailan kaugnay sa House Bill 6231 o ang ipinapanukalang Teacher Empowerment Act.

Ani Salceda, ang komplikadong compliance-based at bureaucratic education system ay nag-atang ng mga administrative burdens sa mga guro na nagresulta sa substandard education outcomes.

“Teachers now perform everything from 4Ps compliance report to student registration requirements. Until recently, the idea was even floated that teachers, with little training in health care, be tapped into as vaccinators.”

Kapag hindi aniya hahayaang nakapokus ang mga guro sa pagtuturo, parang hindi na rin hinahayaang matuto ang mga mag-aaral sa mga guro. “If you are not allowing the teachers to focus on teaching, you are also not allowing learners to learn from teachers.”

Imahe mula sa Special Olympics

Saad pa niya, “My bill will allow teachers to focus on what they do best: teaching.”

Ibinahagi ni Salceda ang resulta mula Programme for International Student Assessment (PISA) kung saan umiskor ang Pilipinas ng 353 sa mathematics, 357 sa science, at 340 sa reading na pawang below the average mula sa lahat ng participating Organization for Economic Co-operation and Development (OECD) countries.

Source :

PNA

Loading…