Pagkahirang kay Mayor Vico bilang ‘anti-corruption champ’ kinilala ng Senado

Imahe mula sa Senate of the Philippines - Facebook
  • Kinilala ng Senado ang natanggap na parangal ni Mayor Vico Sotto mula sa US State Department
  • Isa umano itong karangalan para sa lahat ng Pilipino sa gitna ng pandemya
  • Umaasa ang mga senador na marami pang Mayor Vico ang lulutang sa darating na panahon

Kinilala ng Senado ang parangal na natanggap ni Pasig City Mayor Vico Sotto mula sa US State Department bilang isa sa 12 “Anti-Corruption Champions” sa buong mundo.

Sa Senate Resolution No. 660 na iniakda nina Senate President Vicente Sotto III at Senador Panfilo Lacson, pinuri nito ang Pasig mayor dahil sa kaniyang ‘outstanding leadership’ at kung paano niya pinangunahan ang lungsod sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Imahe mula sa Senate of the Philippines – Facebook

“This recognition by the U.S. State Department bestowed upon Mayor Vico Sotto, the only Filipino public servant in the roster of honorees, meaningfully uplifts the morale and dignity of the Filipino people amid the challenging times of global pandemic,” ayon sa resolusyon.

Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Lacson na mapalad ang lungsod ng Pasig sa pagkakaroon ng lider na tulad ni Mayor Vico na kumakatawan sa isang taong mayroong “wise thoughts, prudent actions, and selfless intention to advance the well-being of his constituents.”

Imahe mula sa Twitter

“We find hope in the likes of Mayor Vico Sotto that the younger generation is represented by a public servant who exemplifies good governance, accountability, and integrity in the conduct of his duties,” ani Lacson.

Para naman sa Senate President, na tiyuhin mismo ng alkalde, ang mga bagong ideya ng mga batang pulitiko tula ni Mayor Vico ay nagbigay daan sa mga positibong pagbabago sa Pasig City. Patunay rin umano ito na ang pagiging bata ay hindi nangagahulugan palagi ng pagiging immature o kawalan ng karanasan.

Imahe mula sa Senate of the Philippines – Facebook

“Undeniably, Mayor Vico is a true leader in words and deeds. He exemplifies the true essence of public service — which is selflessly serving others and not himself, a complete dedication to the people, and creating a difference in the process,” ayon sa pangulo ng Senado.

Pinuri rin ang batang alkalde ng iba pang mga senador tulad nina Grace Poe, Risa Hontiveros, Joel Villanueva at Manny Pacquiao na nagsabing malaking bagay sa magandang pamumuno ng batang mayor ang pagkakaroon ng takot s Diyos.

Umaasa umano sila na sana ay marami pang Vico Sotto ang lulutang upang ipaglaban ang kapakanan ng mga Pilipino.

Loading…