‘Pagmumura’ ng Pangulo normal na sa edad niya; ‘di naman masama sa mga bata – Roque

Imahe mula sa Mercurey News
  • Normal na umano sa mga matatandang tulad ni Pangulong Duterte ang madalas na pagmumura
  • Ayon kay Roque, hindi rin naman daw ito masama para sa mga batang nakaririnig
  • Kultura na umano kasi ito ng mga matatandang nakabilang sa henerasyon ni Duterte

Dinepensahan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang madalas na pagbibitaw ni Pangulong Rodrigo Duterte ng hindi magagandang salita kahit na sa kaniyang mga public address.

Ani Roque, normal na ito sa henerasyon nina Duterte at sa mga matatandang kaedad ng presidente.

Ito ay matapos tanungin ang kalihim kung ang madalas na pagmumura ba ng Pangulo sa publiko ay posibleng magbunga ng henerasyon na ituturing na normal na lamang ang mga ganitong pananalita.

Screenshot mula sa RTVM Facebook video

“Ay hindi naman po. Kasi alam naman po nila na Presidente naman ‘yun, 76 years old, hindi na puwede magbago,” paliwanag ni Roque sa kaniyang panayam sa ‘The Mangahas Interviews’ sa GMA News.

“Sa totoo lang, ganyan naman po ang kultura ng mga Pilipino sa mga matatanda. ‘Yung ating henerasyon lang naman ang hindi nagmumura eh,” dagdag pa ng tagapagsalita ng Palasyo.

Base rin umano sa kaniyang karanasan bilang anak ng public prosecutor, ganun na raw talaga ang kaniyang napansin sa mga pananalita ng mga public prosecutor na katulad ni Duterte.

Screenshot mula sa Twitter

“Pare-pareho sila mag-isip, pare-pareho sila magsalita. Lahat sila ganyan,” wika ni Roque.

Samantala, may reaksiyon naman ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin sa naging pahayag na ito ni Roque.

“What are you (expletive)  saying, Harry, that old guys are foul-mouthed,  (expletive); I love you Harry, but don’t push it,” ani Locsin sa kaniyang tweet nitong Miyerkules.

Tulad ng Pangulo, si Locsin ay kilala rin sa ‘pagmumura’ at pagiging palaban sa kaniyang mga Twitter post. Hindi naman malaman kung nagbibiro lang siya o seryoso sa kaniyang pinakahuling reaksiyon sa pahayag ng Palasyo.

Loading…