Pagtatayo ng ‘Korea Town’ sa Maynila napag-usapan nina Mayor Isko at Korean envoy

Imahe mula sa Facebook - Mayor Isko Mroreno
  • Posibleng magkaroon na ng ‘Korea Town’ sa Maynila
  • Napag-usapan umano ito nina Mayor Isko Moreno at Korean Ambassador Kim In-Chul
  • Nagpasalamat naman si Yorme sa patuloy na suporta ng South Korea sa lungsod

Kung mayroong Chinatown sa Binondo, posible na ring magkaroon ng ‘Korea Town’ sa Malate matapos itong mapag-usapan nina Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso at South Korean envoy Kim In-Chul kamakailan.

Ibinahagi ni Mayor Isko sa kaniyang Facebook nitong Martes ang pagbisita sa kaniya ni Republic of Korea Ambassador to the Philippines Kim In-chul kung saan pinasalamatan din ng alkalde ang envoy dahil sa suporta ng huli sa kabiserang lungsod ng bansa.

Imahe mula sa Facebook – Mayor Isko Mroreno

Sa kanilang pagkikita ay napag-usapan umano nila ang pagtayo ng ‘Korea Town’ sa distrito ng Malate.

“During the meeting, we also discussed about the “Korea Town” that we are building/creating in Malate area to showcase Korean culture right in the nation’s capital. We also told His Excellency about how we benchmarked Myeong-dong’s markets in Binondo, Manila,” wika ni Yorme.

Umaasa rin ang alkalde na patuloy ang magiging magandang relasyon sa pagitan Lungsod ng Maynila at South Korea.

Screenshot mula sa Twitter

“Again, I would like to thank His Excellency for paying us a visit at Manila City Hall. We hope that the City of Manila and the Republic of Korea will continue to have good relationship with one another, and if the City could extend any help to your country, we would be happy and honored to do so,” ayon pa kay Mayor Isko.

Sa kaniyang mensahe naman sa website ng embassy, kinilala ni Amb. Kim In-Chul ang naging tulong ng Pilipinas noong Korean War kung saan nagpadala ng mahigit 7,000 sundalong Pinoy ang gobyerno para tumulong sa kanila.

Imahe mula sa Facebook – Mayor Isko Mroreno

Ngayon namang nasa pandemya ang mundo, hindi rin umano nila nakalimutang tumulong sa kanilang ‘kaibigan’ sa gitna ng hamon at krisis na kinakaharap nito.

‘The challenges brought by this pandemic have yet to come to an end. But as the saying goes, a friend in need is a friend indeed. During these difficult times, Korea has been extending a helping hand to the Philippines by sharing essential supplies to fight against the pandemic, thereby standing together with its long-time partner,” ayon pa sa mensahe ng ambassador.

Loading…