Palasyo aminadong contact tracing ang weakest point ng gobyerno sa pagtugon sa pandemya

Imahe mula sa National Privacy Commission
  • Ang contact tracing ang weakest point ng gobyerno sa pagtugon sa pandemya
  • Halos isang taon na ang nakalilipas pero hindi pa rin fully implemented ang StaySafe.PH contact tracing app
  • Gagawin nang mandatory sa mga national government agencies at sa mga local government units ang paggamit ng StaySafe app

Inamin ng Malacañang Palace na ang contact tracing ang weakest point ng gobyerno sa ginagawang pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Imahe mula sa PCOO

Nagpahayag ng pagtataka si Presidential Spokesperson Harry Roque kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin lubusang nagagamit ang StaySafe.PH app halos isang taon na ang nakalipas matapos iyong ilunsad.

“We are managing it very well, but the tracing, the StaySafe app, nahihilo na ako. Hindi ko maintindihan bakit hindi natin ginagamit ito. Napakaimportante ng tracing para ma-isolate ‘yung close contacts at maiwasan ang pagkalat ng sakit,” aniya.

“This is an area that needs to be tremendously improved. I will have to admit, dito tayo pinakamahina. I don’t understand why the StaySafe app is not being implemented. We really need to automate,” dagdag pa niya.

Dapat din umanong itaas ang bilang ng mga taong kino-contact trace sa 32 individuals sa bawat COVID-19 case.

Binanggit pa niya ang naunang ipinahayag noon ni contact tracing czar Baguio City Mayor Benjamin Magalong na kaunti lang ang bilang ng mga taong na-expose sa COVID-19 patients na tine-trace ng gobyerno.

Sa susunod na sampung araw ay ipatutupad na raw ng buo ang StaySafe app, ayon kay Sec. Roque.

Imahe mula sa PIA

“As of yesterday, lahat ng gusot naiplantsa na. Full implementation of StaySafe app within 10 days. Talagang wala na pong pagbabago diyan. We will implement StaySafe once and for all,” aniya.

Gagawin nang mandatory sa mga national government agencies at sa mga local government units ang paggamit ng StaySafe app.

Loading…