Mag-anak napaalis sa tinitirhan: Padre de pamilyang naglalakad sa paghahanap ng trabaho kinaawaan

Image by GMA Public Affairs via Facebook
  • Lalaking nawalan ng trabaho, napaalis sa tinitirhang apartment
  • Nakikituloy muna si Ronel Cimafranca kasama ang asawa at dalawang anak sa kanyang biyenan
  • Naghahanap siya ngayon ng mapapasukang trabaho

Marami ang naapektuhan o nawalan ng pangkabuhayan dahil sa COVID-19. May mga negosyong nagsara, mayroon namang nagbawas ng empleyado o pasahod sa kanilang mga manggagawa. Nagbunga ito ng labis na pasanin para sa mga manggagawang isang kahig isang tuka.

Image by GMA Public Affairs via Facebook

Kagaya sa naganap sa pamilya ng 35-anyos na si Ronel Cimafranca. Bunga ng pagkawala ng kanyang trabaho, napaalis sila sa kanilang inuupahang apartment. Sa kasalukuyan ay nakikituloy muna siya kasama ang asawa at dalawang anak sa kanyang biyenan.

Ayon sa GMA Public Affairs FB page, nagsara ang pinapasukang construction company ni Ronel kaya’t naghahanap siya ngayon ng mapapasukang trabaho.

Naispatan siya ng GMA News na naglalakad sa kahabaan ng Commonwealth Avenue bitbit ang kanyang resume sa pag-asang makahahanap ng mapapasukan.

Sa mga nais tumulong kay Ronel habang siya’y naghahanap ng mapagkakakitaan, maaaring makipag-ugnayan kay Ronel sa +63 946 805 9420 o magpadala sa GCash Number 09099350109 / Sherrylyn C Ison.

Kaagad namang nag-trending ang kuwento ng padre de pamilya. Marami ang nakisimpatiya sa kanya at mayroon na ring mga nagpadala ng tulong. Ang post ng GMA Public Affairs ay mayroon nang higit 39,000 reactions at nasa 9,400 shares habang ibinabahagi ito.

Komento ng isa, “Napakahirap po talaga maghanap ng trabaho, isama pa ang init tas uuwi ka na walang nahahanap. Isama na rin ‘yung mga taong nasa paligid mo na nagiging pressure. Kung madali lang makahanap guys, hindi ko kayo madi-disappoint at makakapagbigay ako ng ambag at pera sa inyo.”

Image by GMA Public Affairs via Facebook

Iba pang komento, “Tiyaga lang din kuya, pasasaan ba ay makakakuha ka rin ng trabaho. Ang anak ko natigil sa work noong nag-start ang virus hanggang sa hindi na nakabalik. Hanggang ngayon ay wala pa ring work.

“Dati nang me work experience as customer service ‘di pa rin matanggap. Minsan, paasa lang ang mga company na ina-aplayan but still trying hard para magka-work. Ganyan talaga ang mahirap lalong pinahihirapan.”

Image by GMA Public Affairs via Facebook
Source :

Facebook

Loading…