Panelo sumakay ng jeep patungo sa palengke para makita kung nasusunod ang health protocols

Screenshot mula sa PCOO video
  • Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo namataan sa pampasaherong jeepney
  • Nakunan siya ng larawan ng isang pasaherong nakasakay niya sa jeep
  • Sumakay daw si Panelo sa jeep para personal na makita kung nasusunod sa mga pampublikong sasakyan ang health protocols

Sumakay ng jeep si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo upang diumano ay personal niyang makita kung nasusunod ang ipinatutupad na mga health protocols sa mga pampublikong sasakyan.

Imahe mula sa MB

Ayon sa Manila Bulletin, isang commuter ang nagpadala sa kanila ng ilang larawan ni Panelo na kuha sa loob ng jeep at sa loob ng Agora Public Market sa San Juan City.

“LOOK: Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo is seen onboard a jeepney on Sunday, March 7, 2021, reportedly on his way to Agora public market in San Juan City. The photograph was taken by another commuter,” post ng Manila Bulletin News sa Twitter.

Sa naturang kuha sa loob ng jeep ay makikita si Panelo na nakaupo malapit sa entrada ng sasakyan. Nakasuot siya ng puting pang-itaas at maong na pantalon. May suot din siyang face mask at face shield habang gumagamit ng cellphone.

Sa loob ng palengke ay makikita naman siya na tila bumibili ng seafoods gaya ng talangka at hipon.

Duda naman ang ilang netizens sa tunay na pakay ng Presidential legal counsel sa pagsakay nito sa pampasaherong jeepney. Hindi sila kumbinsido na gusto lang niyang makita kung nasusunod ang health protocols sa mga sasakyang pampubliko.

Imahe mula sa MB

Posibleng isang elaborate public relations stunt daw ang ginawa ni Panelo.

Pinagdudahan nila ang sinasabing “another commuter” na kumuha ng larawan ni Panelo.

“Another commuter? Pero kasama hanggang palengke? Ows.”

“Daming time ni ‘another commuter’ hanggang palengke sinundan.”

May nagsabi naman na baka PR stunt lang iyon ni Panelo na posibleng tumakbo sa elections 2022.

Imahe mula sa MB

“Panelo challenge again? Tapos hanggang sa pamamalengke ni tanda nakasunod ‘yung commuter or rather to say taga-picture sa kanya? Hello 2022 Election.”

“Mukhang may tatakbo sa 2022?”

Loading…