Pang. Duterte gustong magkaroon ng mobile vaccination team na magtutungo sa mga slum areas

Imahe mula sa PNA
  • Iminungkahi ni Pang. Duterte na magkaroon ng mobile vaccination team na magbabahay-bahay sa slum areas
  • Marami umanong mga nagiging sagabal para sa mga mahihirap na magtungo sa vaccination sites
  • Sinabi ni Sec. Duque na kukulangin sa tao ang pamahalaan kung gagawing bahay-bahay ang pagbabakuna

Iminungkahi ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng mobile vaccination upang hindi na kailanganing magtungo sa vaccination sites ang mga pamilya mula sa slum areas.

Imahe mula sa Mongabay

Marami umanong mga nagiging sagabal para sa mga mahihirap na magtungo sa vaccination sites.

“’Pag natapos na ang health workers, kayo na ang sunod. So, the priority would really be the squatters. And we go to the squatters’ area. They do not have to go there (vaccination sites), because a lot of reasons would come in: walang pera, hindi maiwanan yung anak, isa lang ang naghahanap-buhay,” wika ng Pangulo sa televised Cabinet meeting.

“We will use all government assets . . .everybody must contribute and all departments must take note of this, this is not just a fight against COVID-19, but a fight against despair and hopelessness,” sabi pa niya.

Alanganin naman si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque sa direktiba ng Pangulo dahil sa kakulangan ng tauhan.

Ipinaliwanag niya ang bakunahan ay ginagawa sa mga fixed areas kung saan magtutungo ang mga tao. Ito ay upang maobserbahan sila sa posibleng side effects matapos bakunahan.

“Ang problema na nakikita ko ngayon kung dadalhin ang bakuna kakailanganin ng maraming taong nagmo-monitor ng adverse effects following immunization, ‘yan po ang important step sa vaccination process,” paliwanag ni Sec. Duque.

Imahe mula sa UNTV

“You have to be observed individually for 30 to 45 minutes… Ang ginagawa natin sa fixed sites, at least doon maramihan, kasi kung iisa-isahin natin sa lugar nila kulang tayo sa tao,” anang DOH secretary.

“If you use that argument, na wala tayong tao, ‘yung mga nasa barangay na mahirap hindi talaga mabakunahan. That’s the problem,” sagot naman ng Pangulo sa argumento ni Sec. Duque.

May nakahanda na naman daw na plano para sa ginagawang vaccination sa fixed sites, ayon kay Duque.

“Naka-plano na po. May mga pangalan na po ‘yan parang mga botante. Meron na po silang mga assignment kumbaga sa voting precinct, meron na din silang assignment kung saan sila babakunahan. Execution na lang...implementation na lang. Parang sa Comelec na meron nang precinct, parang voting precincts, doon na lang sila pupunta may listahan na po doon,” anang kalihim.

Public domain image

Kuntento naman ang Pangulo sa naging sagot ni Sec. Duque kaya nag-utos na lang siya na maglaan ng transportasyon sa mga mahihirap para madala sila sa vaccination sites.

Nangako si Pangulong Duterte na walang Pilipino, higit sa lahat ang mga mahihirap, na maiiwan sa vaccination campaign.

 

 

Source :

CNNPH, PNA

Loading…