Pang. Duterte, iaanunsyo ang ayuda at community quarantine classification sa bansa mula April 5 to April 30

Screenshot mula sa RTVM Facebook video
  • Nakatakdang ianunsyo ni Pres. Duterte ang klasipikasyon ng community quarantine na ipatutupad sa bansa mula April 5 hanggang April 30
  • Tatalakayin din ng Pangulo ang pinansyal na ayuda para sa mga apektado ng implementasyon ng isang linggong ECQ sa NCR+ bubble
  • Nauna nang ipinahayag ni Senator Bong Go na mayroong nakalaang pondo na nagkakahalaga ng P23 billion para sa mga residente ng NCR+ areas

Nakatakdang ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Lunes ng gabi, March 29, ang community quarantine classification para sa bansa mula April 5 hanggang April 30.

Screenshot mula sa RTVM Facebook video

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, isasagawa ng Pangulo ang regular niyang “Talk to the People” pagkatapos nitong salubungin nang personal ang 1 million doses ng CoronaVac na binili ng pamahalaan mula sa Chinese parmaceutical company na Sinovac-BioTech, upang ipaalam sa publiko ang community quarantine classification na ipatutupad sa bansa para sa buong buwan ng Abril.

Tatalakayin din ng Pangulo ang pinansyal na ayuda para sa mga apektado ng implementasyon ng isang linggong enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR+ bubble na nagsimula ngayong Lunes, March 29 hanggang sa April 4.

Ang NCR+ bubble ay binubuo ng Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan. Ang ECQ, na pinakamahigpit na klasipikasyon ng community quarantine, ay ipinatupad dahil sa pagdaming muli ng COVID-19 cases sa mga nabanggit na lugar.

“Inaasahan natin na sa Talk to the People, masasapinal na ‘yung quarantine classification simula April 5 hanggang katapusan sa Abril at saka ‘yung issue ng assistance sa gobyerno,” pahayag ni Sec. Roque.

Hindi sinabi ng tagapagsalita ng Pangulo kung palalawigin pa ang ECQ na ipinatutupad sa NCR+ bubble.

Imahe mula sa UNTV

“Maselan po ang pagdedesisyon. We will consider the total health of our people,” aniya.

Nauna nang ipinahayag ni Senator Bong Go na mayroong nakalaang pondo na nagkakahalaga ng P23 billion para sa mga residente ng NCR+ areas.

Source :

Inquirer, MSN

Loading…