Pang. Duterte luluwagan ang mga restriksyon kapag may 2 million COVID-19 vaccines na ang bansa

Screenshot mula sa ABS-CBN video
  • Planong ikonsidera ni Pang. Duterte na luwagan ang mga restriksyon sa GCQ areas kapag mayroon na ang Pilipinas ng 2 million doses  ng COVID-19 vaccine
  • Sinabi ni Cabinet Sec. Karlo Nograles na gusto ng Presidente na makita ang malawakang pagbabakuna bago buksan ang ekonomiya
  • Sinabi ng WHO na ang Pilipinas ang isa sa mga biggest recipients ng COVID-19 vaccine mula sa COVAX facility

Ikokonsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagluluwag sa mga ipinatutupad na restriksyon sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) kapag may dalawang milyong doses ng COVID-19 vaccine ang bansa.

Imahe mula sa GMA

Ito ang sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles nang tanungin kung payag na ba ang Pangulo sa limited face-to-face classes ngayong umuusad na ang vaccination program ng bansa.

“The President reiterated his stand that he wants a more rigorous, more widespread vaccination program. Ang sabi niya, unless he sees two million vaccine doses are being administered, that’s when he will start considering the opening of GCQ areas, to consider putting it under MGCQ (Modified General Community Quarantine),” sagot ni Sec. Nograles

“He wants to see a more massive vaccine rollout para tumaas ang kumpiyansa niya na mag-open ng limited face-to-face classes,” dagdag pa niya.

Matatandaang tumanggap ng 600,000 doses ng Sinovac ang bansa mula sa China At nito lang Huwebes, ika-4 ng Marso,ay dumating ang 487,200 doses ng AstraZeneca vaccines sa pamamagitan ng COVAX facility na personal na sinalubong ni Pangulong Duterte sa Villamor Airbase.

Screenshot mula sa RTVM video

“Magkaroon lang tayo ng stock ng 2 million (doses), bitawan ko na. I will open the economy. Talagang hirap tayo. People have to eat, people have to work, people have to pay for their upkeep. And the only way to do it is to open the economy, and for businesses to regrow,” anang Pangulo.

Noong March 4, sinabi ng World Health Organization reprsentative to the Philippines na si Dr. Rabindra Abeyasinghe na ang Pilipinas ang isa sa mga bansang tatanggap ng pinakamaraming COVID-19 vaccines mula sa COVAX facility.

Screenshot mula sa ANC video

Loading…