Pangulo may agam-agam sa pagbabayad ng compensation sa magkakaroon ng side effect sa bakuna

Screenshot mula sa RTVM Facebook video
  • Kinuwestiyon ng Pangulo ang ‘indemnity clause’ sa mga kontrata ng pagbili ng bakuna
  • Hindi umano ito legal at mayroong ‘malaking butas’ ito
  • Ito ay kahit na nalagdaan na ng Pangulo ang batas na naglalaan ng pondo para sa compensation

Kinuwestiyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ‘indemnity clause’ sa mga kontratang pinirmahan ng gobyerno para makabili ng bakuna mula sa vaccine manufacturers.

Ang ‘indemnity clause’ ang siyang nagtatakda na ang gobyerno, sa halip na ang mga manufacturers, ang sasagot sa anumang liability mula sa masamang epekto ng bakuna.

Screenshot mula sa RTVM Facebook video

Noong Pebrero ay nilagdaan na ng Malakanyang ang Republic Act 11525 o ang COVID-19 Vaccination Program Act of 2021 na naglalaan ng P500-M bilang pondo sa posibleng magiging compensation sa magkakaroon ng adverse effect mula sa COVID vaccine.

Ayon kay Duterte, tila may ‘butas’ ang indemnity clause’ na ito sapagkat inoobliga ang pamahalaan na siyang magbayad ng compensation na dapat ay sa mga manufacturers mangagaling.

“The government cannot guarantee much less give you an immune status na you are freed of any and all liability. I think we cannot even do that even if we wanted to ‘yung assumption of liability,” saad ni Duterte nitong Lunes.

Imahe mula sa PNA

Kung tutuusin daw, hindi naman sa atin nanggaling ang bakuna na posibleng magkaroon ng problema dahil sa ‘mishandling’ o kung ano pa mang pangyayari kabilang na ang hindi pagiging epektibo tulad ng kanilang ina-advertise.

“Ang gusto ng mga manufacturers na ang private sector magbili, ang gobyerno mag-assume ng liaibility. Hindi ho puwede ‘yung ganun. May malaking butas diyan actually . Assumption of liability na ganun,” wika pa ng presidente.

Kahit napirmahan na ang mga kontrata, inatasan pa rin ni Duterte si vaccine czar Sec. Carlito Galvez na sabihin umano sa mga manufacturers na hindi sila awtorisadong pirmahan ang mga katulad na kasunduan dahil labag daw ito sa batas.

Sec. Galvez| Screenshot mula sa RTVM Facebook video

“I do not think that it will be legal. Sabihin mo sa kanila, it’s illegal for us to do that. Ang makagawa lang niyan is Congress, wala nang iba,” dagdag pa nito.

Ipinaliwanag naman ni Galvez na sa lahat ng kontrata ay nakapirma talaga ang Pilipinas ng indemnity clause.

Talaga raw pinanghahahawakan ng mga manufacturers ang ‘idemnity clause’ sapagkat ang bakuna ay ‘for emergency use’ pa lamang at hindi pa ito for ‘commercial use’. Sa oras na magkaroon ng adverse effect, gobyerno talaga ang mananagot, at hindi mga manufacturer, pribadong sektor o mga LGUs.

Loading…