Panoorin: Chris Evans, ang bagong brand ambassador ng Smart

Screenshot mula sa YT video
  • Si Hollywood actor Chris Evans ang pinakabagong endorser ng Smart
  • Para ito sa kanilang “Live Smarter for a Better World” campaign ngayong 2021
  • Inilunsad na sa You Tube ang pinakabagong commercial ng Smart na may slogan na ‘Simple, Smart ako’

Habang nalalapit ang commercial rollout ng tinaguriang third telco sa bansa na DITO Telecommunity, mistulang tumitindi naman ang kompetisyon sa marketing ng dalawang higanteng telecommunication services provider na Globe Telecom at Smart Communications.

Kung noong nagdaang mga buwan ay ang K-Pop group na BLACKPINK ang kinuha ng Globe upang maging mukha ng kanilang brand, ang Hollywood hunk na si Chris Evans naman ang tila ipinantapat dito ng Smart bilang kanilang pinakabagong endorser.

Screenshot mula sa YT video

Sa pinakaunang TV commercial ng Smart para sa kanilang “Live Smarter for a Better World” campaign sa taong ito, ipinakilala si Evans bilang kanilang bagong brand ambassador.

Ang 2-minutong TVC ay inilunsad nitong Huwebes at mapapanood na sa You Tube kung saan makikita ang aktor na kilala sa kaniyang pagganap bilang “Captain America” sa mga pelikulang ‘Avengers’ kabilang na ang highest-grossing film of all time na “Avengers: Endgame”.

Dito ay maririnig si Evans sa huling bahagi ng TVC na nagsalita sa wikang Filipino – “Simple, Smart Ako” – ang slogan ng nabanggit na bagong kampanya ng Smart.

Screenshot mula sa YT video

Ang commercial ay idinirehe umano ni Pascal Heiduk, na dati na ring nakatrabaho nina Hollywood star Hugh Jackman at British Formula One champion Lewis Hamilton.

Ayon sa Smart, layon ng kanilang “Live Smarter for a Better World” campaign na himukin ang mga Pinoy na gumawa ng mga “sustainable actions” na mayroong pangmatagalan at positibong impact sa lipunan.

Screenshot mula sa YT video

“There’s nothing like the current challenges the world is facing to make us all realize that we are all interconnected, and that our personal actions have broader impact. Through our ‘Live Smarter for a Better World’ initiative, it is our aim to create that spark in everyone to help change the world for the better rather than just settling for ‘good’,” wika ni Alfredo S. Panlilio, president at CEO ng Smart Communications.

Panoorin ang bagong commercial ng Smart:

Loading…