Pasasalamat: DJ Loonyo inilahad ang bunga ng kaniyang mga pinaghirapan

  • May bagong milestone sa buhay ni DJ Loonyo
  • Pumatok sa publiko ang kaniyang negosyong lechong manok
  • Sa unang araw pa lamang, nakabenta na kaagad sila ng 250 piraso nito

Ibinida ng sikat na social media influencer na si Rhemuel Lunio o mas kilala bilang ‘DJ Loonyo’ ang bunga ng kaniyang mga pinaghirapan bilang isang dancer, professional disc jockey, choreographer at vlogger na pamamagitan ng ‘long post.’

Sa pamamagitan ng kaniyang Facebook post, sinimulan ni Loonyo ang kaniyang pagbabahagi sa pinakabago niyang negosyo, ang DJ Loonyo’s Lechon Manok Station, na sa unang araw pa lamang ay nakabenta na kaagad ng 250 piraso ng lechong manok.

Imahe mula sa Facebook account ni DJ Loonyo

“Simula noong nag-China ako, aside sa mga pansarili kong PANGARAP, nag-decide ako na unahin ang pangarap ng pamilya ko. HINDI PO KAMI MAYAMAN, at pinalaki kami ng butihin at napakabait kong MAMA sa sariling kayod as MIDWIFE,” saad niya.

Isinalaysay niya ang kaniyang back story. Nang magkasakit daw ang tatay niya at tuluyang namaalam sa mundo, nawalan sila ng bahay dahil sa gastos sa pagpapagamot at bayad sa utang. Nangupahan sila at patuloy na kumayod ang kanilang nanay upang makapag-aral silang magkakapatid.

Kaya naman, laking pasasalamat niya sa Diyos na nabigyan siya umano ng plataporma upang makilala sa iba’t ibang dance challenges, mabigyan ng oportunidad upang kumita nang mas malaki, at makapagpatayo ng sariling bahay para sa kaniyang pamilya. Sabi nga niya,  talagang trabaho kung trabaho kahit nagkakasakit at patuloy pa rin sa pangangarap.

“Noong natapos ang bahay at nakabili ng lupa na puwedeng tirhan ng angkan namin balang araw, back story pala, pina-retire ko si Mama sa trabaho noong ako’y nasa China dahil ayaw ko na magtrabaho siya sa edad niya ngayon, gusto ko nagre-relax na lang siya at panahon na para i-ispoil naman siya sa lahat ng gusto niya.”

Imahe mula sa Facebook account ni DJ Loonyo

“Ngayon, sabi ko gagawa ako ng business para sa pamilya ko, at NAGPAPASALAMAT AKO SOBRA KASI NAROON ANG KUYA KO para i-manage at talagang tulungan ako sa business na ‘yun. Dahil pina-retire ko si Mama, pinagdasal ko na bigyan sila ng business para doon na makukuha lahat ng mga gastusin at iba pa.”

“Di biro ang proseso, sinubukan kami sa lahat ng bagay at NGAYON AY NAG-SOFT OPENING NA, GRABE ANG LUBOS NA TUWA AT SAYA SA PUSO NA DI KAYANG BAYARAN NG SALAPI, WALANG HANGGANG PASASALAMAT SA DIYOS AT SA MGA TAONG PATULOY NA SUMUSUPORTA AT NANINIWALA,” pasasalamant niya sa Diyos at mga taong tumangkilik ng negosyo niya sa unang araw pa lamang.

Nag-iwan siya ng mensahe para sa kaniyang Mama at Kuya.

“PARA KAY MAMA- Ma, heto na, maliit man ngayon pero naniniwala ako na lalaki at dadami pa ‘to balang araw Know that mahal na mahal kita Ma at IKAW ANG ISA SA MGA PINAKAMATIBAY NA INSPIRASYON KO.”

“PARA KAY KUYA- Kuya, Salamat sobra YA, IKAW YUNG ENGINEER, ARCHITECT, MANAGER, CHEF, ALL AROUND SA MGA NANGYAYARI! IDOL SOBRA!!! KAYA KUYA, FIRE KUNG FIRE! BUHOS MO DIYAN! I LOVE YOU KUYA!!! Cheers tayo pag-uwi ko diyan sa GRAND OPENING.”

Public Domain Image

May mensahe naman siya para sa lahat ng mga patuloy na nangangarap para sa kanilang sarili at pamilya. Patuloy lamang daw at patibayin ang paniniwala at pananampalataya sa Diyos. Madilim man ang daan pero hinding-hindi raw tayo pababayaan ng Diyos.

“Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa,” saad ni Loonyo.

Congratulations, DJ Loonyo!

Source :

Facebook

Loading…