Pastor may payo sa mga mag-asawang nanlalamig na sa isa’t isa

  • Paano nga ba kung nanlalamig na sina mister at misis sa isa’t isa?
  • May payo riyan ang pastor na si Ed Lapiz
  • Mahalaga raw na mapaglabanan ito ng mag-asawa upang relasyon ay maging mabunga

May payo ang kilalang pastor na si Ed Lapiz para sa mga mag-asawang nakararamdam ng panlalamig o pananawa sa kanilang relasyon. Ibinigay niya ito sa pamamagitan ng ‘Q and A’ na makikita sa kaniyang Facebook post.

“Tito, mahal ko po ang asawa ko pero parang sawang-sawa na ko sa company niya? At parang ganoon din ang feelings niya sa akin, although faithful kami sa isat-isa at walang third party. What can we do?” tanong sa kaniya ng anonymous sender.

Public Domain Image

Kaya naman, nagbigay siya ng tatlong tips hinggil dito.

Ang una, “Don’t feel guilty na nagsasawa kayo sa isat-isa. That can really happen, especially when everything had become either boring or irritating or tiring.”

Pangalawa, “Try to have some private, personal time and space away from each other, especially kung matagal na kayong mag-asawa.”

Hinati pa niya sa tatlong bahagi ang kaniyang mga tinuran sa pangalawang tip. Aniya, mas mainam daw na magkaroon ng kaunting espasyo sa pagitan ng mag-asawa, lalo na kung magbabakasyon.

“Huwag laging magkasamang mag-vacation. Madalas, walang katapusang pagtatalo at stress sa choice ng pupuntahan, gagawin, kakainin, bibilhin, etc. Madalas din, lalo na sa trips, nagiging chimay ang babae: taga-empake, taga-ayos ng mga gamit, taga-abot ng medyas, etc., hindi siya nakakapagbakasyon. Nagiging ugat ng inis, irritation, resentment, etc. So, have vacations away from each other.”

Gayundin daw kapag laging magkasama sa bahay, na talaga namang hindi maiiwasang magkasawaan.

Public Domain Image

“Designate parts of the house na HIS at HERS. Para may lugar kayo where you do what you want, however you want it like hobbies, crafts, etc. at hindi nagiging janitor/cleaner ng isa ‘yung isa.”

May payo rin siya kung may kakayahang pinansyal o ekstrang budget naman.

“Kung kaya ng finances, build/have separate bathrooms/toilets or even separate bedrooms para quality ang sleep. Puwede ring separate houses in the same compound. Maaalis ang mumunting bagay na naging sanhi ng walang katapusang argumento.”

“Pag naalis ‘yung mga nakakainis, nakakasakal, nakakapagod, nakakairita, etc. na elements ng pagsasama, mas mananabik kayo sa isat-isa at mas magkakaroon ng quality time together.”

Ikaw, sang-ayon ka ba sa mga tips na inilahad ni Pastor Lapiz?

Source :

Facebook

Loading…