PBB: Connect Big Winner ‘back-up housemate’ pala?

  • Si Liofer Pinatacan ang pinakalatest na Big Winner ng katatapos lang na PBB: Connect
  • Back-up housemate pala siya, ayon kay Direk Laurenti Dyogi
  • Nakatadhana raw ang pagkapanalo ng ‘Dong Diskarte’ ng Zamboanga Del Sur

Inamin ni Direk Laurenti Dyogi ng Pinoy Big Brother o PBB Connect na ang latest Big Winner na si Liofer Pinatacan ng  Zamboanga del Sur ay ‘back-up housemate.’

“Congrats Liofer, PBB: Connect Big winner! Now it can be told that Liofer was only a back-up housemate. We decided to bring in Liofer when a supposed housemate did not pass the medical exam. You were destined to win this season. Congrats Liofer! #PBBConnectBigNight,” pagbubunyag ng direktor ng PBB Connect ngayong 2021 sa kaniyang Twitter post.

Imahe mula sa Twitter post ni Laurenti Dyogi

Matapos makakuha ng  20.9% ng public votes, si ‘Dong Diskarte ng Zamboaga Del Sur’ nga ang nakakuha ng premyong 1 million pesos, bukod pa sa bahay at lupa, matapos ang Big Night noong Marso 14, 2021.

Bago pumasok sa loob ng ‘Bahay ni Kuya,’ si Pinatacan ay isang mag-aaral ng Culinary Arts, nagmula sa mahirap na pamilya. Siya ay pangwalo sa siyam na magkakapatid. Ang kaniyang mga magulang ay parehong magsasaka at nagtitinda ng saging.

Sa isang Facebook post ng kaanak nito na nagngangalang “Reofe Pinatacan,” nagpasalamat siya sa lahat ng mga taong sumuporta at naging dahilan ng pagkapanalo ni Liofer.

“We, the family of our Dong Diskarte Liofer and his team are extremely grateful to everyone who has helped him achieve his dream. His victory is also our victory. Words wouldn’t be enough to express our heartfelt appreciation for all the love and support you have given to our Liofer.”

“We want you to know that what you did meant the world to us. Thank you for loving our Dong and for believing in him, for extending your help when we need them the most. Our hearts are full and will forever be grateful for your kindness and generosity,” saad ng post.

Imahe mula sa Facebook account ni Reofe Bantoc Pinatacan

Si Andrea Abaya ang itinanghal na Second Big Placer, si Kobie Brown naman ang Third Big Placer, at si Jie-Ann Armero naman ang Fourth Big Placer.

Ang ‘PBB: Connect’ ay nagsimulang umere noong Disyembre 6, 2020, na 15th edition ng reality show franchise sa bansa. Ito ang kauna-unahang PBB na nagsimula sa panahon ng pandemya at kawalan ng prangkisa ng ABS-CBN dahil sa pagbasura dito ng Kongreso.

Loading…