PDA ng mga magkarelasyon babantayan na rin ng PNP dahil sa COVID

Imahe mula sa duexpress.in
  • Sisitahin na rin ng PNP ang mga couples na nagpi-PDA
  • Pati mga young professionals na madalas sa mga bars ay babantayin umano
  • Ito ay kasunod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID sa NCR

Ipagbabawal na rin muna ng PNP ang public display of affection (PDA) ng mga magkasintahan o magkarelasyon bilang bahagi ng health protocol upang maiwasan ang patuloy na pagkalat ng COVID-19.

Isa ito sa ipinatutupad na ng mga kapulisan sa kasalukuyan at sinumang mahuli ay pagsasabihan at bibigyan muna ng babala subalit hindi pa naman huhulihin.

Imahe mula sa Sun Star

Ayon kay PNP Spokesperson Ildebrandi Usana sa kaniyang panayam sa Teleradyo, magde-deploy rin sila ng karagdagang tauhan upang matiyak na masusunod ang mga health protocols sa ilang ‘critical risk’ na lugar sa Metro Manila kasunod ng biglang paglobo ng kaso ng COVID nitong nagdaang tatlong linggo.

“Yung public display of affection, kasama rin po ‘yan kasi alam naman po natin dahil nag-open for a while ang economy, marami pong namamasyal, marami pong mga tao na sadya talagang na-miss nila ang kanilang pagsasamahan,” bahagi ni Usana.

Young professionals sa mga bars

Kasama na rin umano sa babantayan ng kapulisan ay mga young professionals na nagtutungo sa mga bars at tourist spots ngayong pandemya.

Sila raw kasi ang mas maraming nahawahan ng COVID nitong mga nagdaang araw lalo na yaong mga nasa edad 20 hanggang 35 anyos.

Imahe mula sa Head Topic

“At of course, ‘yung mga young professionals, it appears na sila po ang mataas ang bilang ng mga nahawahan nitong last week. We might probably as well advise them na medyo hinay-hinay pa rin ang kanilang exposure,” wika ng opisyal.

Hinimok din ng pamunuan ng PNP ang publiko na kunan ng larawan ang sinumang sa tingin nila ya lumabag sa protocols at isumbong ito sa kanila upang maaksiyunan kaagad.

Pinag-iisipan na rin ngayon ng PNP na ibalik ang dati nilang patakaran na pag-aresto at pagsampa ng kaso sa mga nasitang lumabag, depende sa kasalukuyang ordinansa ng local government units (LGUs).

Loading…