Pekeng driver’s license na may mukha ni Pangulong Duterte nakumpiska ng LAPD

Imahe mula sa Twitter-LAPD Rampart
  • Isang pekeng driver’s license ang nakumpiska ng LAPD
  • Ito ay mayroong mukha ni Pangulong Rodrigo Duterte
  • Hindi naman nasabi kung kanino at paano ito nakumpiska

Nakumpiska ng mga tauhan ng Los Angeles Police Department (LAPD) ang isang driver’s license na mayroong mukha ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Noong Miyerkules, ibinahagi sa Twitter account ng LAPD Rampart ang kuhang litrato ng nasabing lisensya na napag-alamang peke pala.

Kita rito ang mukha ni Pangulong Duterte subalit ang nakalagay na lagda ay mababasang ‘Norman D’. Ang nakalagay na address naman sa license card ay Glendale, CA 91205.

Screenshot mula sa Twitter-LAPD Rampart

Buti na lang umano at nakilala ng nakahuli na ang larawang nakalagay sa driver’s license ay ang Pangulo ng Pilipinas.

“Vice Officers recognized the picture used on a fake ID, to be that of the President of the Philippines,” ayon sa caption ng Twitter post.

“Good thing our Officers patrol Historic Filipino Town and are up to speed. Nice try,” dagdag pa nito.

Marami naman ang natuwa at hindi makapaniwala sa mga nagkomento sa naturang post.

“That’s actually very witty (emojis)  gotta give them one for their humor … wonder if there r ” extra “ charges for impersonating a country’s leader?” ayon sa isang commenter.

“Did he use his name as well?, (emojis)  announcement to citizens of Glendale ” Rodrigo Duterte, has relocated to our beloved town,” wika pa ng nasabing commenter.

Screenshot mula sa Twitter-LAPD Rampart

Ang iba naman ay nagbiro na baka taga-suporta ng Pangulo (DDS), o mga ‘Dilawan’ ang may-ari ng pekeng lisensya.

“Malamang de de es ying nahuling driver. Hahahaha,” komento ng isa.

“Must be one of the yellow****s supporters. Used it to avoid traffic violations. I wonder what cases was filed against the driver? Good job for recognizing the PH president,” dagdag naman ng isa pa.

Samantala, hindi naman nagbigay ng karagdagang detalye ang LAPD kung saan at paano nakumpiska ang lisensiya. Hindi rin nabanggit kung isang Pinoy ang nakuhanan nito.

Loading…