PH ambassador to Brazil sinibak na; pinagsisisihan ang ginawa sa kasambahay

Screenshot mula sa GMA video
  • Philippine Ambassador to Brazil na si Marichu Mauro sinibak sa serbisyo ni Pang. Duterte
  • Ang dating ambassador ay nahulicam na pinagbubuhatan ng kamay ang kasambahay na kapwa Pinay
  • Pinagsisisihan na umano ni Mauro ang nagawa at humingi na ng kapatawaran sa kasambahay
  • Plano ni Mauro na kwestyunin sa harap ng korte ang desisyon ng DFA na tanggalin siya sa serbisyo

Tuluyan nang inalis ni Pangulong Rodrigo Duterte sa serbisyo ang ambassador ng Pilipinas sa Brazil na si Marichu Mauro na nahulicam na pinagbubuhatan ng kamay ang kapwa Pinay na miyembro  ng kanyang service staff.

Screenshot mula sa RTVM video

“’Yung ambassador doon sa Brazil who maltreated a household helper…the recommendation was…I signed the document affirming the decision. The decision metes out the penalty of dismissal from the service,” pahayag ng pangulo noong Lunes, ika-1 ng Marso.

’Yan ang parusa n’yo. That’s how it is. I said there are rules to be followed. Kung ayaw mo sundin, you take the risk. If something goes wrong, it’s gonna hit you,” wika pa ni Presidente Duterte.

Si ex-ambassador Mauro ay agad pinabalik sa bansa ng Department of Foreign Affairs (DFA) noong Oktubre ng nakaraang taon upang humarap sa imbestigasyon matapos ilabas ng Globo News ng Brazil ang mga video footage ng mga pamimisikal na ginagawa niya sa kasambahay.

Noong November 9, 2020 ay sinampahan na siya ng kaukulang reklamo.

Samantala, naglabas naman ng kanyang saloobin ang ex-ambassador hinggil sa kinalabasan ng kaso laban sa kanya.

Screenshot mula sa ANC video

“I wish the DFA determined whether my behavior was merely a severe lapse in judgment especially under the stress of managing an Embassy with the threat of the pandemic. My case was even mishandled. There were heavy deficiencies committed by the DFA Hearing Panel. I wish the DFA had considered the letters of support from overseas Filipinos attesting that I am not the cruel person depicted in those uncontextualized videos,” ayon kay Mauro.

“But I am not the cruel and heartless person that certain government officials portrayed me to be. The selected footage was illegally and stealthily obtained, patched together and eventually released to the Brazilian media to shame and embarrass me,” dagdag pa niya.

Screenshot mula sa ANC video

Pinagsisisihan umano niya ang nagawa sa kasambahay at humingi na siya ng tawad.

Aniya, dapat malaman ng publiko na ang naturang kasambahay ay isang kababata. Mahigit 30 years (on and off) na raw sa pamilya nila ang kasambahay. Sabay daw silang lumaki.

“We grew up together. What the public doesn’t realize is that there were heavy family dynamics involved. It is this familiarity that has caused me to cross boundaries I would never cross. It is this same familiarity that my kasambahay has also crossed on many occasions,” paliwanag niya.

Plano ni Mauro na kwestyunin sa harap ng korte ang desisyon ng DFA na tanggalin siya sa serbisyo.

BASAHIN: PH ambassador to Brazil nahulicam na pinagbubuhatan ng kamay ang kasambahay na kapwa Pilipino

Loading…