PH ‘di magpapadala ng Navy ships sa  Julian Felipe Reef: “We will be charged of provoking an incident”

Imahe mula sa PCOO
  • Hindi magpapadala ng Navy ships ang Pinas sa Julian Felipe Reef
  • Baka raw maakusahan tayo ng ‘provoking an incident’
  • Sa halip, paiigtingin na lang ang pagpapatrolya ng Coast Guard sa lugar

Hindi magpapadala ng Navy ships ang Pilipinas sa Julian Felipe Reef upang hindi na lumala ang sitwasyon, ayon kay Defense chief Delfin Lorenzan.

Sa halip, mga Coast Guard muna ang magpapatrolya sa lugar kung saan namataan ang halos 200 Chinese vessels na nakahimpil nitong mga nagdaang linggo.

“Ayaw kasi nating matawag tayo na provoking tayo by bringing our Navy ships in the areas,” paliwanag ni Lorenzana sa panayam ng CNN Philippines.

Sec. Lorenzana| Imahe mula sa PTV-4

“We will be charged of provoking an incident at saka militarizing the area,” dagdag pa ng kalihim.

Upang maiwasan ang paglala ng tensiyon, mga ‘white vessels’ na lang daw muna ang ipapadala doon.

“I think we are going to station a Coast Guard ship there continuously. So [we will use] white ships (mga law enforcement vessels tulad ng Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources), these are civilian ships,” wika pa ni Lorenzana.

Isa pa sa inirerekomenda umano ng National Task Force West Philippine Sea  ay ang pagtigil ng isang barko sa reef tulad ng ginawa noon ng Pilipinas sa Ayungin Shoal. Ganun pa man, pinag-aaralan pa nila ang suhestiyong ito at wala pang pormal na desisyon.

Sa isang pahayag, tiniyak din ni Lorenzana na nakahanda silang ipagtanggol ang ating ‘national sovereignty’ at protektahan ang yamang-dagat sa lugar kaya lalo pang paiigtingin ang pagpapatrolya ng Coast Guard.

Imahe mula sa PNA

“I assure our people that we are addressing the situation. We stand by our position calling for the immediate withdrawal of Chinese vessels in the Julian Felipe Reef, which was communicated to the Chinese ambassador,” giit pa ng opisyal.

Unang naiulat na naispatan ang nasa 220 Chinese vessel sa Julian Felipe Reef noong Marso 7. Kinumpirma ito ni AFP chief of staff na si Gen. Cirilito Sobejana noong isanga raw at ayon umano sa bilang nila ay umabot ito sa 183.

Itinanggi naman ng Chinese Embassy sa Manila na ang mga sasakyang pandagat na naispatan ay mga military vessels. Mga barko lamang umano ito na ‘sumisilong’ dahil sa ‘masamang panahon’ at maalong karagatan.

Loading…