Phalanx? AFP chief duda sa ‘formation’ ng Chinese vessels sa West PH Sea

Imahe mula sa PCOO
  • Duda ang AFP chief sa formation ng mga Chinese vessels sa WPS
  • Mistula umano itong ‘phalanx’ kaya pinag-aaralan na nila ang sitwasyon
  • Nagpadala ng ng karagdagang Navy ships ang Pilipina sa lugar

Ibinahagi ng bagong-talagang AFP chief of staff na si Gen. Cirilito Sobejana ang kaniyang suspetsa sa tila pamilyar na formation ng nasa halos 200 Chinese vessels sa Julian Felipe Reef (Whitsun Reef) sa West Philippine Sea.

Sa ginanap na pagdinig para sa kaniyang confirmation bilang AFP chief sa bicameral Commision on Appointment (CA) nitong Miyerkules, sinabi ni Sobejana na pamilyar siya sa formation ng mga fishing vessels na nagtitipon sa iisang lugar  kapag ‘nagpapahinga’ ang mga ito.

Imahe mula sa PNA

“So it is not new to us. But the number is quite substantial,” ani Sobejana.

Ayon sa opisyal, hawig sa ‘phalanx’ ang nakikita nilang formation ng mga sasakyang pandagat ng China sa WPS kaya pinag-aaralan nila ito.

“So we are trying to assess why they did such kind of formation, because they were lined up in layers … as if they were forming like a phalanx. So we are trying to do some assessment on that kind of formation,” wika pa ni Sobejana.

Greek Phalanx| Imahe mula sa Wikipedia

Ang ‘phalanx’ ay isang rectangular mass military formation na karaniwang ginagamit ng mga Griyego sa kanilang pakikidigma noong unang panahon. Karaniwang epektibo ito kapwa bilang pang-depensa at pang-atake sa kalaban.

Samantala, kaugnay nito, ipinag-utos na umano ni Sobejana ang pag-deploy ng karagdagang Navy ships sa lugar para protektahan ang mga Pinoy na mangingisda at tiyakin ang malayang paglalayag.

“I directed the Philippine Navy to deploy additional naval assets to the West Philippine Sea to increase our visibility and ensure the security and safety of our fishermen, of course our marine resources, and the integrity of our territory,” pahayag ni Sobejana.

Imahe mula sa AFP

Unang naiulat na naispatan ang nasa 220 Chinese vessel sa Julian Felipe Reef noong Marso 7. Kinumpirma ito ni Sobejana nitong Lunes at ayon umano sa bilang nila ay umabot ito sa 183.

Itinanggi naman ng Chinese Embassy sa Manila na ang mga sasakyang pandagat na naispatan ay mga military vessels. Mga barko lamang umano ito na ‘sumisilong’ dahil sa maalong karagatan.

Loading…