Phaseout ng PUV bawal habang may pandemya – Sen. Grace Poe

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Grace Poe
  • Ipinaalala ni Sen. Poe na walang phaseout ng jeepney ang dapat maganap habang may pandemya
  • Nagsagawa ng hearing ang Senate Committee on Public Services upang dinggin ang panig ng mga drivers at ng LTFRB
  • Ang mga drivers na hindi na makapagmamaneho dahil sa modernization program ay bibigyan ng financial assistance para makapagsimula ng bagong pagkakakitaan

Sa isinagawang hearing ng Senado hinggil sa Public Utility Vehicle Modernization Program, ipinaalala ni Senator Grace Poe sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi pinapayagan habang may pandemya ang anumang uri ng phaseout ng Public Utility Vehicle (PUV) sa ilalim ng Bayanihan To Recover as One Act.

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Grace Poe

Ayon kay Sen. Poe, bawal sa batas ang pag-iisyu ng memorandum na pumipigil sa mga driver na makapamasada ngayong may pandemya kung saan kulang na kulang pa rin ang suporta mula sa gobyerno.

Ginawa ng Senate Committee on Public Service, na si Sen. Poe ang chairman, ang hearing noong Martes, March 16, upang dinggin ang panig ng mga stakeholders sa transportation sector at ang panig ng LTFRB.

“Lagi kong sinasabi ito tuwing mga drayber ang pinag-uusapan: Gusto nating maging ligtas ang ating mga daan at pampublikong sasakyan. Ngunit, ika nga nila – there are two sides to every story and as policymakers, we are expected to consider both. Surely, there must be a way to modernize our public utility vehicles without throwing our drivers under the proverbial bus,” pahayag ng senadora.

Sa hearing, sinabi ng LTFRB na tumaas ang bilang ng mga PUV na na-modernize na sa kabila ng pandemya.

“My takeaway from the whole presentation is that there’s a marked improvement of those who are willing to join, pero hindi natin maipagkakailang marami pa ring napag-iiwanan,” wika ni Sen. Poe.

Imahe mula sa iMoney

Batay sa mga datos, tinatayang 100,000 drivers at operators ang negatibong maaapektuhan ng modernization program para sa mga PUV.

“In order to truly heal and recover as one, we need to lift unnecessary burdens caused by deadlines and requirements that could not possibly be met by hundreds of thousands of PUV operators,” aniya.

Ayon sa senadora, ang mga driver na hindi makasasabay sa modernization program ay bibigyan ng financial assistance para makapagsimula ng panibagong pagkakakitaan.

Loading…