Pilipinas isa sa biggest recipients ng COVID-19 vaccines mula sa COVAX facility – WHO

Screenshot mula sa RTVM video
  • Ang Pilipinas ang isa sa mga bansang tatanggap ng pinakamaraming COVID-19 vaccine mula sa COVAX facility
  • Nakatakdang ipadala ng COVAX facility ang 4.5 million doses ng AstraZeneca vaccine simula Marso hanggang Mayo
  • Ang initial batch na 487,200 doses ng AstraZeneca ay dumating na sa Pilipinas noong Huwebes, March 4

Ipinahayag ng World Health Organization (WHO) Representative to the Philippines na si Dr. Rabindra Abeyasinghe na ang Pilipinas ay isa sa biggest recipients ng COVID-19 vaccines mula sa COVAX facility.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Sa pamamagitan ng COVAX facility ay inaasahang tatanggap ang bansa ng 4.5 million doses ng AstraZeneca vaccines mula ngayong Marso hanggang sa Mayo.

“We are happy to note that the Philippines is receiving one of the largest consignment of COVAX vaccines. In this first initial consignment… 487,000 doses. As I’ve mentioned, we expect 4.5 million doses of AstraZeneca vaccines to arrive. We don’t have the exact schedule now but they will be coming in larger batches possibly,” pahayag ni Dr. Abeyasinghe.

Noong Huwebes ng gabi, March 4, ay dumating na sa bansa ang inisyal na 487,200 doses ng AstraZeneca vaccine. Personal na sinalubong ito ni Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang iba pang mga opisyal sa Villamor Airbase.

Nangako ang COVAX facility na magpapadala rin ng mga bakuna na gawa ng Pfizer.

Screenshot mula sa RTVM video

“And in addition to that, we will also be receiving 117,000 Pfizer-BioNTech vaccines. Plus, the additional quantities of Pfizer-BioNTech vaccines that will be allocated will be known before the end of this month,” ayon pa sa WHO official.

Dahil sa nakatakdang pagdating ng maraming vaccines, hinikayat ni Dr. Abeyasinghe ang Pilipinas na ihanda ang mga cold storage sa bansa upang walang maaksayang bakuna.

Imahe mula sa DOH

“We need to set up in the country the capacity to manage these large stocks of vaccines coming in. The Philippines needs to demonstrate that they can roll out the vaccines in an efficient manner, minimizing wastage of vaccine,” aniya.

Loading…