Pilipinas planong mag-develop ng sariling COVID-19 vaccine

Imahe mula sa PAHO
  • Plano ng pamahalaan ng mag-develop ng sariling COVID-19 vaccine
  • Inirekomenda ni DOST Sec. Dela Peña ang pagtatayo ng Institute of Vaccinology
  • Aktibo rin ang pamahalaan sa ginagawang clinical trials sa mga alternatibong panlunas sa coronavirus tulad ng virgin coconut oil at tawa-tawa

Ibinunyag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang pamahalaan ay may planong mag-develop ng sariling COVID-19 vaccine upang mabawasan ang pagdepende nito sa bakuna mula sa ibang bansa.

Imahe mula sa PCOO

Sa isang virtual press briefing, isiniwalat ni Roque na si Secretary Fortunato dela Peña ng Department of Science and Technology (DOST) ay nauna nang nagbigay ng rekomendasyon na magtayo sa bansa ng Institute of Vaccinology.

“In fact, magtatayo na tayo ng Institute of Vaccinology. Isa po ‘yan sa mga initiatives ni Sec. Dela Peña diyan po sa DOST,” aniya.

“Tama po kayo. Dumating na ‘yung punto na ang Pilipinas ay nag-iisip na rin magkaroon ng kakayahan na mag-develop ng sariling bakuna,” sabi pa ni Sec. Roque sa mga miyembro ng press.

Binigyang-diin pa ni Sec. Roque na bagama’t may planong gumawa ng sariling COVID-19 vaccine  ang Pilipinas ay patuloy pa rin ang pagiging aktibo ng pamahalaan sa ginagawang clinical trials sa mga alternatibong panlunas sa coronavirus.

“Aktibo tayo doon sa clinical trials natin sa virgin coconut oil at saka sa tawa-tawa. At saka doon sa blood plasma na undergoing clinical trials also. Nakiki-contribute naman tayo doon sa worldwide effort to come up with a treatment to COVID-19,” aniya.

Imahe mula sa CNNPH

Matatandaang noong nakaraang taon ay inanunsyo ng DOST na ang research and development sa medicinal plants gaya ng lagundi at tawa-tawa ay bahagi ng inisyatibo ng gobyerno para makatulong sa pakikibaka kontra sa COVID-19 pandemic.

Loading…