Pinakamahal na digital artwork nabili sa halagang higit tatlong bilyong piso

Imahe mula sa Christie's
  • Isang digital artwork ang naibenta ng Christie’s auction house sa halagang $69.3 million
  • Tinawag na “Everydays: The First 5000 Days” ang artwork na isang “virtual mosaic” o collage ng 5,000 images
  • Ang “Everydays: The First 5000 Days” ay ang ikatlo sa pinakamahal na artwork sa buong mundo na naibenta ng living artists

Mahigit 22 million viewers ang sumaksi sa isang pambihirang subastahan na ginawa ng Christie’s, isang British auction house, noong March 11 kung saan naibenta ang isang digital artwork sa presyong $69.3 million o katumbas ng P3.36 bilyong piso.

Imahe mula sa Christie’s

Ang digital artwork ay gawa ng artist na si Beeple na ang tunay na pangalan ay Mike Winkelmann. Nasa JPEG format ang digital artwork.

Tinawag na “Everydays: The First 5000 Days” ang artwork na isang “virtual mosaic” o collage ng 5,000 images kabilang ang photographs, illustrations, digital drawings at 3-D renderings na ginawa niya sa loob ng mahigit labintatlo at kalahating taon o isang image kada araw.

Ang “Everydays: The First 5000 Days” ay isang NFT o non-fungible token na isang “collectible digital asset” na gumagamit ng blockchain technology na ginagamit sa mga cryptocurrencies kaya hindi ito maaaring ma-duplicate. Ang mga NTFs ay maaari lang bilhin gamit ang mga cryptocurrencies.

Ang digital artwork ni Beeple, na tinatawag ding “Beeple’s Opus” ay binayaran ng mystery buyer na gumamit ng alias na Metakovan gamit ang Ether cryptocurrency (Ethereum), ang second biggest digital coin sa buong mundo kasunod ng Bitcoin.

Makalipas ang isang linggo ay lumantad ang mystery buyer – si Vignesh Sundaresan, isang Indian national programmer na nakabase sa Singapore.

Imahe mula sa Instagram account ni Vignesh Sundaresan

Sa isang blog post, sinabi ni Sundaresan ang dahilan kung bakit niya binili ang napakamahal na digital artwork.

Aniya, iyon ay upang ipakita sa mundo na ang mga Indian at iba pang mga tao na hindi puti (caucasian) ay maaari ring maging “patrons of the arts.”

“When you think of high-valued NFTs, this one is going to be pretty hard to beat. This is the crown jewel, the most valuable piece of art for this generation,” sabi ni Sundaresan.

Ang “Everydays: The First 5000 Days” ay ang ikatlo sa pinakamahal na artworks na naibenta ng living artists. Ang una ay ang “Rabbit” stainless steel sculpture ni JEff Koons na naibenta sa halagang $91.1 million at ang ikalawa ay ang acrylic painting ni David Hockney na “Portrait of an Artist (Pool with Two figures) na naibenta sa halagang $90.3 million.

Composite image of Rabbit and Portrait of an Artist

Loading…