‘Pinas handa sa paglipat bilang cashless society para iwas-COVID dahil sa pisikal na pera

Imahe mula sa iMoney
  • Handa ang Pilipinas na lumipat sa pagiging isang cashless society
  • Ang banking authorities ng bansa ay gumawa na ng mga hakbang upang maisulong ang safe digital payment solutions
  • Sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin E. Diokno na posibleng maging coinless society ang bansa sa taong 2025

Sa gitna ng mga pangamba na malakas makapagpakalat ng coronavirus ang pisikal na pera, sinabi ng Malacañang Palace na handa ang bansa na lumipat sa pagiging isang cashless society.

Imahe mula sa Xpressmoney

Sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang banking authorities ng bansa ay gumawa na ng mga hakbang upang maisulong ang safe digital payment solutions.

Marami na rin umanong local government units ang nagsimulang gumamit ng mga digital transactions upang malimitahan ang person-to-person contacts.

“Hindi ko po alam kung kailan talaga tayo magkakaroon ng cashless Philippines pero may mga hakbang na po na ginawa ang Bangko Sentral unang-una, para huwag nang gumamit noong mga barya,” aniya.

Batay sa survey na isinagawa ng MoneyTransfers.com, isang money transfer company, ang Pilipinas ay kabilang na sa Top 10 countries na sumusuporta sa cashless society.

“The argument for a cashless society has been around for a while, but the rapid rise of the coronavirus crisis has intensified the debate again amid concerns about banknotes and coins transmitting the virus,” ayon sa statement ng MoneyTransfers.com.

Imahe mula sa MB

Sinabi ni Sec. Roque na nasa pang-anim na puwesto ang Pilipinas sa mga sumusuporta sa pagkakaroon ng cashless society.

“Pang-anim nga po tayo sa digital ranking at iyan naman po’y patunay na we can readily make the shift to a cashless society dahil alam naman natin na iyong physical pera ang isa sa pinakamalakas na magkalat ng COVID virus,” ayon kay Sec. Roque.

Noong nakaraang buwan, sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin E. Diokno sa isang panayam na posibleng maging coinless society ang bansa sa taong 2025.

Aniya, bumaba ng 57% ang volume ng demand sa mga coins noong nakaraang taon, samantalang bumaba ng 60% ang value ng demand para sa mga ito noong 2019.

Sinabi niya na sa hinaharap, ang mga maliliit na transaksyon ay babayaran gamit ang QR payments.

Imahe mula sa PayMaya

Loading…